Wednesday , February 28 2024

CIDG moro-moro

Dragon LadyPATULOY pa rin sa ilegal na aktibidad ang mga aktibo at retiradong pulis na gumagamit sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para mangalap ng lingguhang intelihensiya sa mga ilegalista, hindi lang sa Metro Manila kundi sa mga karatig na rehiyon.

Tipong moro-moro dahil nagkaroon lang pala ng konting pagbalasa sa mga kolektor para lalong palakihin ang kanilang koleksiyon bilang paghahanda sa nalalapit na Kapaskuhan. Hindi tuloy maalis ang hinala na moro-moro lang ang naging pahayag ni CIDG head Chief Supt. Roel Obusan na hindi niya pinahihintulutan ang paggamit sa pinamumunuan niyang tanggapan para kumolekta ng tongpats sa mga ilegalista at mga establisimiyentong may paglabag sa umiiral na batas o ordinansa ng bawa’t lungsod dahil lalong nagiging garapal ang mga bagong kolektong sa ilang distrito.

Siguro, kung talagang seryoso si Chief Supt. Obusan sa kanyang direktiba, puwede niyang iutos kay Senior Supt. Ely Rasco na hulihin at kasuhan ang mga nagpapakilalang kolektor daw ng CIDG na sina Roque “Recycle” Semillano, Dennis “Tagoy” Santiago, Domeng “Demonyo” Alagde, Raymond “Diego” Santos, Teddy “Swabe” Sapitula, Mike “Kapitan” Biscocho, Raymundo “JR” Magkalas at ang nagpapakilalang bagman na si Emeng Macasaet.

Sila umano ang umiikot sa limang distrito sa Metro Manila, pati na sa Region 3 at Region 4 na ang kinakaladkad ay ang tanggapan ng CIDG.

Kung may pahayag na nga raw si PNP chief Director General Ronald Dela Rosa na isusunod na sa kanilang Oplan Tokhang ang mga kilalang gambling lords, dapat din sigurong ma-tokhang ang mga pulis at civilian na nagsisilbing kolektor at protector.

BUO ANG LOOB NG SENADORA

Buo ang loob at matapang si Senadora Leila de Lima sa kanyang pakikipaglaban sa mga akusasyon laban sa kanya ng administrasyong Duterte. Marami ang hindi naniniwala sa sex video ng senadora. Ultimo mga taksi drayber ay nagsasabi na gawa-gawa lamang ang nasabing sex video sa paniwalang marami ang maggaling na IT na puwedeng kumatha ng mga ksinungalingan. Saan ka nga naman nakakita na nagse-sex na nakasalamin pa ang senadora at nakatingin pa sa camera! Sa social meda, gaya ng Facebook, hindi ma-click ang nasabing naka-post na video. Mistula itong retrato, kasi baka mabuko na gawa-gawa lang?

***

Mabigat at talagang puno ng stress ang dinadala ngayon ni Senadora de Lima, pero buong tapang pa rin siyang nakikipaglaban! Naniniwala ako na kung may katotohanan ang lahat sa mga drug money, sino ba ang hindi tumanggap? Sa grupo ng kultong Dilaw, si De Lima ay isa sa gabinte ng administrasyong Aquino,wala bang parating sa itaas? May ksabihan na huwag paniwalaan ang mga adik? Bakit puro sangkot sa ilegal na droga ang testigo na kalaban ni de Lima? Kayo na ang humusga mga ‘igan!

Sa mga puna, reaksiyon at suhestiyon, mag-email lang sa [email protected] o magtext sa 09052943966.

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pumapabor sa ICC ang kapalaran

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Inakala ko noon na nag-iisa lamang ako sa pambabatikos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

SSS revenue target para sa 2023, lumagpas sa 9.5 percent

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKATUTUWA ang napaulat nitong nagdaang linggo kaugnay sa  koleksyon “revenue”  ng …

Dragon Lady Amor Virata

Hirit sa P100 dagdag-sahod malabo

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng DOLE, ‘di kaya ng mga employers na …

Sipat Mat Vicencio

Hindi palulusutin ni PBBM sina Go, Tol, Bato sa 2025

SIPATni Mat Vicencio HINDI dapat umasa pa sina Senator Bong Go, Francis “Tol” Tolentino at …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paboritong krimen ‘pag Pebrero: Pag-ibig

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAAKIBAT ng Pebrero ang ideya na ang kinakailangan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *