Monday , May 27 2024

Sumasakit ang ulo ni meyor sa vendors

Dragon LadyBAGAMA’T patuloy ang clearing operations na isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Parañaque, sa administrasyon ni Mayor Edwin Olivarez, marami pa rin illegal vendors ang sadyang matitigas ang ulo. Sa kagustuhang makapaghanapbuhay, kahit ipinagbabawal ay nagtitinda pa rin.

***

Noong Sabado ay nagpulong ang mga vendor, ilang representative ng lokal na pamahalaan at pulisya. Dito ay tinalakay ang paglilinis ng Baclaran. Ito ay sa mahigpit na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa pagkakaroon ng nagkalat na vendors sa lansangan, nagiging mitsa ng pagdami ng mga isnatser, mandurukot, at salisi gang.

***

Kabilang din ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga nagsisimba sa Redemptorist Church, upang makapasok ang mga sasakyan sa compound ng nabanggit na simbahan.

***

Matagal nang problema ang Baclaran, ilang administrasyon na ang nagdaan, hindi nasunod ang emergency power noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino, isa ang Baclaran sa apektado, ngunit wala rin nangyari, mas lalo pang dumami ang vendors.

SAKLANG PATAY
SA LAS PIÑAS

Hindi natin alam kung may blessings ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Las Piñas ang saklang patay sa mga may kaanak na ibinuburol.

Dahil na rin marahil sa hirap ng buhay, hinayaan na lamang para mailibing nang maayos ang mga namatay na kaanak.

***

‘Yun nga lang, ang epekto nito ay dinudumog ng mga mananaya, bata, matanda ay suking-suki ng sakla, nakatutulong nga sa namatayan, paano naman ang mga buhay na nalululong? Sa Korva,wala naman patay, bakit may sakla? Maging ‘yung malapit sa Plaza Quezon, pakisagot lang Col. Modequillo.

Walang personalan, trabaho lang po!

RPT  TAXPAYERS
SA PASAY ‘WAG MABIGLA

Huwag mabibigla ang real property tax payers sa lungsod ng Pasay, dahil nakaamba sa pagpasok ng taon 2017 ang pagtataas ng buwis. Malapit nang simulan ng Sangguniang Panlungsod ang pag-uusap tungkol dito at sakaling matapos na ang resolusyon ng Konseho, siguradong aprubado. Nakatitiyak na ang lungsod ng Pasay sa pagtaas ng malilikom na pondo sa susunod na taon.

***

Mahigit nang sampung taon ang huling pagtataas ng buwis sa lungsod ng Pasay, kaya panahon na para tumaas na ang assessment. Dahil isa ang lungsod ng Pasay sa sentro ng mga naglalakihang negosyo.

Sakaling matupad ito, higit na mas maraming proyekto at programa ang adminsitrasyon ni Pasay City Mayor Antonino Calixto na nasa kanyang huling termino.

ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Hindi lahat ng huwes ay matino

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA HALIP na magkaloob ng hustisya at protektahan ang …

Sipat Mat Vicencio

Tigas ng mukha ni Senator Bato

SIPATni Mat Vicencio “TO Bato dela Rosa, who stuck it out with me to the …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Cyberlibel vs Tony Leachon ‘resulta’ ng iresponsableng  pahayag sa social media

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHIRAP talagang masanay na isang social media icon lalo na kung …

YANIG ni Bong Ramos

Former PDEA agent Jonathan Morales, walang masustansiyang sinabi sa Senate hearing, nuknukan ng sinungaling

YANIGni Bong Ramos WALANG NAPALA, walang nahita at walang nakuhang konkreto ang Senado sa mga …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Day care centers para sa matatanda

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA sa kultura ng mga Filipino ang paglalagak sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *