Saturday , July 27 2024

Mga kapalpakan sa City of Dreams

Dragon LadyKUNG ikaw ay player ng slot machines sa City of Dreams na matatagpuan sa lungsod ng Parañaque, at isang card holder, bawat pindot sa slot machines ay bibigyan nila ng points.

Kadalasan may matatanggap na text na may libreng points na may nakasulat na halaga kung magkano. Kung minsan naman ay ite-text na entitled  makakuha ng kanilang giveaways.

Dalawang linggo na ang nakalilipas, namigay ang COD ng noodle maker, at nitong nakalipas na July 26, ay relo na may tatak na Timex.

Alas dos ng hapon ang simula ng pamimigay ng kanilang giveaways na relo kaya maaga pa lamang ay napakaraming players ang dumating sa COD.

Pero pagsapit ng 4:00 ng hapon, galit na galit ang mga dumating para makakuha ng giveaways, ubos na raw!

Punong-puno ng tao ang COD sa pag-asang makakukuha ng libreng Timex watch, napakaraming players ang hindi nabigyan. Ang raket ng COD ay upang makumbinsi ang mga player na makakuha ng kanilang giveaways, at upang maimpluwensiyahan din na magsugal ang mga pupunta.

Ang masakit, nabigyan nga ng Timex watch na P500 lang yata ang halaga, natalo naman nang libo-libong piso! At higit na mas masakit, ‘yung mga walang istak na nakuha at natalo pa. Dahil sa inis na naubusan ng giveaways, napilitan magsugal!

Alam kaya ng COD management ang kanilang ginagawang panggogoyo sa madlang people? Hindi ba nila binibilang ang dami ng pinadadalhan nila ng mensahe sa pamamagitan ng text messages at nauubusan sila ng giveaways?

Sa mga pinadalhan ng mensahe ng COD, ang mga nakakuha ng giveaways na Timex watch, mamimili kung free play points na P1,000 o relo. Sa mga naubusan, wala nang relo, wala pang P1,000 free play points!

Kapag nagpatuloy ang ganitong sistema ng karaketan ng COD, darating ang araw, maraming mabubuwisit na players o manunugal o kahit naglilibang lang dahil imbyerna sila sa bulok na sistema ng COD!

Dapat binibilang ang pinadadalhang mensahe para hindi nauubusan!

Sumbong ng players ng slot machines, padadalhan sila ng text messages ng COD na nagsasabing may worth P800 free play points pero kapag kanila nang gagamitin ang nasabing premyo, ilang pindot pa lamang, wala na ang extra credit na bigay ng COD.

Take note: ang extra credit na bigay ay hindi magkakaroon ng tsansa na mag-bonus ang slots na nilalaro, kaya pag naubos na mapipilitan dumukot ng pera para ihulog sa slot machines!

Lintik ang RAKET di po ba!

Well, kanya-kanyang raket lang ‘yan, huwag na lang magsugal.

Ang problema, ang mensahe ng COD ay isang tukso!

Sabi nila, ang sugal ay dinarayo ng tao. Nasa tao ‘yan kung ayaw magsugal pero ang tukso ay malapit sa sistema ng COD. Kapag pinadalhan ng text message na mayroong giveaways at may libreng extra credit,  patunay na tinutukso ang tao para mabighaning  pumunta sa COD.

Congratulations sa staff and management ng City of  Dreams, isa kayong mahusay na raketer!

ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *