Monday , May 27 2024

Video karera talamak sa Pasay

Dragon LadyWALANG kamalay-malay ang mga lokal na opisyal ng lungsod ng Pasay, sa talamak na video karera na nagkalat sa kapaligiran ng naturang lungsod na  minamantena ng isang Jojo Cendana.

Si Jojo umano ay nakatimbre sa Southern Police District at walang kamalay-malay ang Pasay City Police, maging ang local officials pati na si Pasay City Mayor Tony Calixto ay bulag sa ilegal na Video Karera.

Ang video karera ay kinagigiliwan ng mga kabataan, sa halip na ibili ng pagkain ang kanilang baon na pera ay sa video karera isinusugal, bagay na inirereklamo ng mga magulang dahil sa matindi na ang bisyo ng kanilang mga anak sa sugal na ito.

Dahil dito, umaapela kay Meyor ang mga magulang na sugpuin ang Video karera!

Bawal ang Media sa Motel

Kapag may namamatay na kostumer sa Kamagong Hotel sa Taft Ave., Pasay City, mahigpit na ipinagbabawal ang mga media na pumasok sa loob ng establisyemento, ang dahilan, ayaw ng management na mailathala ito sa mga pahayagan, dahil makaaapekto umano sa kanilang negosyo.

***

Gaya noong isang araw, Huwebes, natagpuang patay sa kanyang silid numero 416, ang isang Muslim na si Alim Hadjinul, 61 anyos, ng Lamitan, Basilan.

Puno ng dugo ang damit sa  dibdib ng biktima, na posibleng sumuka ng dugo matapos ma-choke ngunit bukas ang telebisyon ng silid nito na may palabas na X-rated film.

***

Agad na nagresponde ang mga imbestigador ng Pasay police at kasunod na dumating ang SOCO ng SPD, ngunit hindi pinapasok ang grupo ng print media at broadcast sa pangamba ng management na makaapekto sa kanilang negosyo sakaling mabulgar sa media.

***

Tawanan ang mediamen nang malaman na kasalukuyang nanonood ng x-rated film ang biktima nang sumuka ng dugo, marahil, dala ng sobrang init na naramdaman habang pinapanood ang palabas. Nagkaroon ng pagkasabik, kaya bigla itong inubo at sumuka ng dugo! Hindi lang batid kung nagmamaryang palad ang biktima nang sumpungin ng pag-ubo, at sumuka ng dugo, dahilan ng kanyang kamatayan!

****

Ganyan naman ang mga motel, ‘pag may namamatay na kostumer sa loob ng inupahang silid, bawal ang mediamen, ang hindi nila alam, sa police investigation ay nakukuha ito ng media na kumokober sa lugar ng pinangyarihan! ‘Yun nga lang ‘di natin alam kung nagkaroon nang ayusan!

Si Hepe ayaw talaga ng Media

Sunod-sunod na krimen sa himpilan ng pulisya ng Pasay, ngunit hindi nakikipag-usap ang Chief of Police. Katuwiran niya may spokeperson siya na puwedeng magsalita at hindi na siya kailangan humarap.

Magugunita na kamakailan ay isang mag-ama ang napatay ng mga pulis, dahil umano sa tangkang pang-aagaw ng baril, matapos arestohin sa kasong ilegal na droga. Hindi man lang nagpakita ang hepe na nagkulong sa kanyang silid, kaya umalis ang mediamen nang hindi nakaharap ang hepe, muling nasundan ang isa pang krimen ng ambusin ang isang kotse sa Macapagal Ave., na ikinamatay ng dalawa katao. Hindi pa rin humarap ang hepe na si Senior/Supt. Nolasco Bethan, sabi daw ng hepe, kumuha muna ang media ng letter of request sa mga bossing bago siya interbyuhin! Ibang klase si hepe!

Sabi ni hepe, demotions daw sa kanya ang pagiging hepe ng Pasay police dahil dati na siyang Provincial Director… Hepe, nasa NCR ka na hindi ka na pulis probinsiya. Pinag-aagawan ang Pasay police suwerte mo nga,  naglagay ng probinsiyano dito sa Pasay. Ano ba alam mo sa Pasay? Mga tao mo rin ang magtatrabaho para sa iyo ‘di ba!

Pinakiusapan lang daw siya ni PNP Chief na pansamantalang hawakan ang lungsod ng Pasay, kung ayaw mo, bakit mo sinunod?

Biyernes sa halip na Lunes ang turn -over mo kay Col. Doria, bakit parang atat na atat ka sa puwesto?   Sabi ni Hepe sandali lang siya rito, parang ang tagal mo na? Nalaman namin labing-isang pulis na ang kusang loob na umalis at nagpalipat ng lugar, kabilang ang apat na opisyal!

Bakit? Simple, Ayaw sa iyo!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Hindi lahat ng huwes ay matino

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA HALIP na magkaloob ng hustisya at protektahan ang …

Sipat Mat Vicencio

Tigas ng mukha ni Senator Bato

SIPATni Mat Vicencio “TO Bato dela Rosa, who stuck it out with me to the …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Cyberlibel vs Tony Leachon ‘resulta’ ng iresponsableng  pahayag sa social media

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHIRAP talagang masanay na isang social media icon lalo na kung …

YANIG ni Bong Ramos

Former PDEA agent Jonathan Morales, walang masustansiyang sinabi sa Senate hearing, nuknukan ng sinungaling

YANIGni Bong Ramos WALANG NAPALA, walang nahita at walang nakuhang konkreto ang Senado sa mga …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Day care centers para sa matatanda

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA sa kultura ng mga Filipino ang paglalagak sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *