Wednesday , February 21 2024

Si Comelec officer may death threat

SAPOL nang matalo si Amadeo Incumbent Mayor Benjo Villanueva, sunod-sunod na ang death threat na natatanggap ni Comelec Officer Aniceta Laceda gayong nailipat sa Noveleta, Cavite noong May 9 local elections matapos magsagawa ng revamp ang Comelec nasyonal at muling magsasagawa ng revamp sa June 10. Puwedeng ‘di na bumalik si Laceda sa bayan ng Amadeo at bigyan ng ibang place of assignment.

Ang nakapagtataka lang, bakit si Laceda ay inaakusahan ni Mayor Vilanueva na nakipagsabwatan sa nanalong dating Meyor na si Tic Ambagan gayong ‘di naman si Laceda ang Comelec Officer sa Amadeo?

‘Di pa nakontento si  Meyor Vilanueva, nagsampa ng reklamo sa main office ng Comelec na inakusahang nakipagsabwatan si Laceda sa nanalong Meyor na si Tic Ambagan.

Anong utak meron si Meyor Villanueva? Hindi naman si Laceda ang Comelec Officer sa kanilang  bayan?

Simula noon, sunod-sunod na ang death threat kay Laceda. E sino ang dapat pagbintangan?

Overspendingang Noveleta Mayor

 OVERSPENDING ang akusasyon sa nanalong Meyor sa bayan ng Noveleta Cavite na si Dino Chua.

Talagang mayaman si Chua, napakamatulungin na tao kahit noong bokal sa lalawigan ng Cavite.

Sanay na ang tao na lumapit kay Chua kahit ‘di eleksiyon.

Anong masama sa mag-share ng blessings si Dino Chua? Ang masama ay kung ninakaw ang perang ipinamigay niyang tulong. Wala kasing pera ang mga kalaban ‘di ba Atty. Sta. Maria? Ilang talo ka na ba? Dapat alam mo na ‘pag walang pera, mahirap manalo dahil ang mahihirap na botante, mas nangangailangan ng tulong!

Hindi naman gaya ni dating UNA Gov. ER EJERCITO na overspending sa advertisements.

Tumulong si Dino Chua!

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pumapabor sa ICC ang kapalaran

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Inakala ko noon na nag-iisa lamang ako sa pambabatikos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

SSS revenue target para sa 2023, lumagpas sa 9.5 percent

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKATUTUWA ang napaulat nitong nagdaang linggo kaugnay sa  koleksyon “revenue”  ng …

Dragon Lady Amor Virata

Hirit sa P100 dagdag-sahod malabo

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng DOLE, ‘di kaya ng mga employers na …

Sipat Mat Vicencio

Hindi palulusutin ni PBBM sina Go, Tol, Bato sa 2025

SIPATni Mat Vicencio HINDI dapat umasa pa sina Senator Bong Go, Francis “Tol” Tolentino at …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paboritong krimen ‘pag Pebrero: Pag-ibig

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAAKIBAT ng Pebrero ang ideya na ang kinakailangan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *