Tuesday , January 31 2023

Pinoy seaman nakauwi na (Pitong taon nakulong sa Saudi)

NASA bansa na ang dating Filipino seaman na nakulong ng pitong taon makaraan saksakin ang kababayan noong 2008 sa Saudi Arabia.

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at sinalubong si Jonard Langamin ng kanyang mga magulang na sina Editha at Clemente Langamin, kapwa sweet corn vendor, dakong 10 a.m. nitong Martes.

Hinatulan ng kamatayan si Langamin makaraan saksakin ang kapwa niya seaman na si Robert Mendoza, Jr., habang sakay sila ng barko sakop ng teritoryo ng Saudi Arabia.

Nagsimula ito nang ayaw pakantahin ni Mendoza si Langamin habang sila ay nagkakasiyahan sa barkong nakadaong.

Pinatawad si Langamin ng mga kaanak ng biktima noong 2012 sa pamamagitan ng pagbibigay ng pormal na liham ng pagpapatawad o kilala sa tawag na “tanazul” sa Saudi Arabia.

Samantala, sinabi ni Susan Ople, overseas Filipino worker (OFW) advocate, 2011 pa nang simula nilang bantayan ang kaso ni Jonard.  Tinulungan siya at ang kanyang pamilya ng Ople Center upang magkaroon ng ugnayan sa ama ng biktima na si Robert Mendoza.

Hinikayat din ng Ople Center ang gobyerno ng Filipinas na tulungan ang dalawang pamilya upang magkaharap at magkaayos.

Tinukoy ng dating labor undersecretary na si Ople, ang ibinigay na pagpapatawad ng pamilya Mendoza sa kabila ng kabiguan ng Langamin na ibigay ang kabuuang P4-milyong blood money.

Bumaba sa P2-milyon ang blood money nang mamagitan si Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Ople, ang pagbabalik ni Jonard ay tungkol sa pagpapatawad.  Ang pagpapatawad ng pamilya Mendoza ang dahilan kaya’t naging posible ang reunion ng pamilya.

Itinakda ng Blas F. Ople Center ang pagpupulong ng ama ng biktima at ni Jonard Langamin ngayong Huwebes, Mayo 26, dakong 3 p.m. sa Taguig City.

Gusto ng pamilya Langamin na personal na magpasalamat kay Mang Bert Mendoza at muling humingi ng tawad sa trahedyang naganap walong taon na ang nakararaan.

About Hataw News Team

Check Also

Scam fraud Money

Sa takot sa asawa na malamang na-scam
GINANG NAGTANGKANG MAGPATIWAKAL

NAGTANGKANG magpatiwakal ang 32-anyos na ginang sa pamamagitan nang pagtalon sa isang footbridge dahil umano …

shabu drug arrest

Nag-aabutan ng shabu sa Vale
2 TULAK, HULI SA AKTO

BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan …

marijuana

Drug group member, kasabwat nabingwit sa drug bust

KULONG  na  ang dalawang tulak ng droga, kabilang ang isang miyembro ng “Zaragosa drug group” …

prison rape

Most wanted sa Vale
KELOT, HOYO SA KASONG STATUTORY RAPE

HULI ang isang 18 anyos na kelot na listed bilang most wanted sa kasong statutory …

cyber libel Computer Posas Court

Sex offenders database itinutulak ng senador

ITINUTULAK ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagtatatag ng isang pambansang database ng mga sex …

Leave a Reply