Saturday , December 10 2022

Mag-uutol dedbol sa sunog (Edad 16, 14, 11 at 9-anyos)

TACLOBAN CITY – Patay ang apat batang magkakapatid sa sunog sa isang bahay sa Brgy. 78, Marasbaras, sa siyudad ng Tacloban dakong 5 a.m. kahapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Dan Jade Morales, 16; Glenn Mark Morales, 14; Glen Marie Morales, 11, at Gwyneth Morales, 9, pawang mga residente sa nasabing lugar.

Habang kinilala ang kanilang mga magulang na sina Glen at Maribel Morales.

Napag-alaman, mahimbing na natutulog ang magkakapatid sa second floor ng kanilang bahay na gawa sa light materials nang mangyari ang sunog.

Batay sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection (BFP), pinaniniwalaan na electrical faulty wiring ang naging dahilan nang nasabing sunog.

Kabilang din sa tinitingnang anggulo ang napabayaang rice cooker.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

About Hataw News Team

Check Also

RDF geocycle Holcim Angono Rizal

Sa Angono, Rizal
BASURA GINAMIT BILANG GASOLINA

KASALUKUYANG gamit ng lokal na pamahalaan ng Angono, sa lalawigan ng Rizal, ang modernong teknolohiya …

road accident

Sa Isabela
2 KAWANI NG DA PATAY SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang dalawang empleyado ng Department of Agriculture – Cordillera nang banggain …

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 1 MWP ng Southern Leyte tiklo sa Bulacan

INARESTO ang isang lalaking nakatala bilang Rank no. 1 most wanted person (MWP) ng Southern …

Bocaue Bulacan Fireworks Rodolfo Azurin Daniel Fernando

Bulacan Fireworks capital sa Bocaue ininspeksiyon ng pulisya, Kapitolyo

DALAWANG linggo bago ang holiday season, ang Bulacan provincial government sa pakikipagtulungan ng Philippine National …

Bulacan

Sa ika-22 Gawad Kalasag
“BEYOND COMPLIANT SEAL OF EXCELLENCE” IGINAWAD SA BULACAN

NILAMPASAN ng lalawigan ng Bulacan ang pamantayan para sa pagtatayo at pagresponde ng Local Disaster …

Leave a Reply