Saturday , December 3 2022

Magsasaka, 3 kalabaw patay sa tama ng kidlat

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang magsasaka at kanyang tatlong kalabaw makaraan tamaan ng kidlat kasabay ng malakas na ulan kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Sangguniang Bayan member Eddie Mayor ng San Agustin, Isabela, ang namatay ay si Merlin Pascual, 53, residente ng Dabubu Grande, San Agustin.

Hindi nakauwi si Pascual sa kanilang bahay nang magtungo sa bukid dakong 5 p.m. para isuga ang kanyang mga kalabaw.

Pinuntahan siya ng kanyang pamilya sa bukid at natagpuan ang kanyang nakahandusay na katawan kasama ang tatlong alagang kalabaw.

Nasunog ang katawan ni Pascual at tatlong kalabaw kaya naniniwala ang kanyang mga kaanak na tinamaan siya ng kidlat kasabay nang malakas na ulan.

Agad ibinaon sa lupa ang tatlong kalabaw habang nakaburol na sa kanilang bahay ang bangkay ni Pascual.

About Hataw News Team

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO

BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank …

shabu drug arrest

P.1M shabu
2 BEBOT, TULAK, HULI SA DRUG BUST

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhaan ng mahigit P.1 …

Sibuyas Onions

Magsasaka dehado sa planong  importasyon ng sibuyas — Imee

MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang …

PHil pinas China

Joint exploration sa WPS, ituloy – Marcos Jr.

KAILANGANG makahanap ng paraan ang Filipinas para matuloy ang paggalugad sa West Philippine Sea (WPS) …

NTF-ELCAC

Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan

NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong …

Leave a Reply