Thursday , June 4 2026

Barangay chairman itinumba sa Batangas

BATANGAS – Patay ang isang 62-anyos barangay chairman makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki sa bayan ng Laurel nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Nejemias Ariola, chairman ng Brgy. Leviste sa Laurel, Batangas.

Ayon sa ulat ng pulisya, pauwi ang biktima sa kanilang bahay lulan ng kanyang motorsiklo dakong 2:35 p.m.

Biglang sumulpot ang dalawang motorsiklo na lulan ang mga suspek, at bigla siyang pinagbabaril.

Ang biktima ay tinamaan ng bala sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Ayon sa mga saksi, makaraan ang insidente, ang mga suspek ay mabilis na tumakas patungo sa Talisay.

Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima at sa pagkakilanlan ng mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …