Thursday , June 4 2026

Leftist group iniwan ang EDSA People Power 1

TUNAY na walang kahihiyan ang mga makakaliwang grupo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matanggap sa kanilang mga sarili  na ang pangyayaring  EDSA People Power 1 ay inisyatiba ng masang Filipino at hindi sila kasali rito.

Hindi na dapat sila magbalatkayo dahil nang pumutok ang EDSA People Power 1, naging buntotismo o palasunod na lamang ang grupong makakaliwa at naging tagatanghod sa tatlong araw ng makasaysayang EDSA People Power 1.

Hindi ba’t nagbaba ng kautusan ang “higher ups” nang tinatawag na “preservation of forces,” kaya hindi nakihalubilo ang mga leftist group sa taumbayan na noon ay nagsisimulang dumami sa tapat ng Camp Crame at Camp Aguinaldo?

Hindi ba’t napaiyak noon si Lean Alejandro at nagsisigaw sa Welcome Rotonda dahil sa sama ng loob  nang maiwan sila  ng taumbayan at panoorin na lamang ang nangyayaring pagsugod ng mga tao sa loob ng Malacañang nang makaalis ang mga Marcos?

Hindi napamunuan ng grupong makakaliwa ang taumbayan, ‘yun ang totoo!

Naging palpak ang mga alagad ni Joma Sison na sinasabing mga organisado at may siyentipikong pag-iisip pagda-ting sa organizing work.

Kaya nga, walang karapatan ang sino mang makakaliwang grupo na iniluwal ng de-kahong pag-iisip ni Jose Maria Sison na makihalubilo sa pagdiriwang ng EDSA People Power 1.

Lumayas kayo at mahiya kayo sa inyong mga sarili!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …