Wednesday , December 11 2024

Parang “bakla” si Duterte

EDITORIAL logoANG kailangan gawin ni Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte ay manahimik, itikom ang bunganga at maging mahinahon tulad ng isang tunay na tumatakbong kandidato para sa pagkapangulo.

Ngayong ibinasura na ng Comelec ang apat na disqualification cases laban kay Duterte, dapat naman sigurong magpakita na siya ay isang disenteng kandidato. Tama na ang paggiging bastos at burabog dahil lalo lamang lumulubog ang imahe niya sa publiko.

Parang bakla na kasi si Duterte.  Paulit-ulit na lang ang kanyang sinasabi at kung minsan walang kawawaan ang kanyang mga binibitiwang pahayag. Diyos ko, kung bibilangin ang pauli-ulit na sinasabi niyang ipapapatay niya ang mga lumalabag sa batas, e, baka maubos na ang tao sa Filipinas.

At mantakin ba namang sabihin ni Duterte na sa loob daw ng anim na buwan, tatapusin niya ang krimen, korupsiyon at droga kung mahahahalal siya bilang pangulo? E, sino naman ang maniniwala sa kanya at mananalo naman kaya siya sa eleksiyon?

Kung susuriing mabuti, parang may “amats” na si Duterte.  Kahit walang katotohanan at imposible, basta trip niya, sasabihin niya ang kanyang gustong sabihin.

Ganyan ba ng klase ng tao na ihahalal natin sa pagkapangulo?

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *