Sunday , August 14 2022

Veloso at pamilya nagkita na sa Indonesia

NAGKITA na ang Filipina drug convict na si Mary Jane Veloso at ang kanyang pamilya habang nasa loob ng kulungan sa bansang Indonesia.

Nabatid na nitong Linggo ay nagdiwang si Mary Jane ng kanyang kaarawan sa harap ng ulat na 14 sa 55 bilanggo sa Indonesia ang isasalang na sa firing squad.

Gayonman, nilinaw ng DFA na walang kompirmasyon mula sa Indonesia government na kabilang si Veloso sa isasalang sa firing squad.

Kabilang sa dumalaw kay Mary Jane ang kanyang ina, ama at anak at may regalo sila tulad ng pantalon, tsinelas, birthday cards at babasahing libro.

Si Veloso ay hinatulan ng kamatayan dahil sa pagpuslit ng ilegal na droga sa Indonesia ngunit naipagpaliban ang execution sa kanya dahil sa apela ng gobyerno ng Filipinas.

About Hataw News Team

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …

Leave a Reply