Sunday , August 14 2022

1 yr. old baby nahulog, patay (Pick-up inakyat)

DAGUPAN CITY – Agad binawian ng buhay ang isang -taon gulang na sanggol nang mahulog sa inakyat niyang pick-up na sasakyan sa bayan ng Bayambang kamakalawa.

Labis ang hinagpis ng mga kaanak ng biktimang si John Carlo Cayabyan, residente ng Brgy. Darawey sa nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon, naglalaro ang biktima sa gilid ng kalsada nang mapansin ang nakaparadang sasakyan sa lugar na kanyang inakyat.

Hindi ito napansin ng driver ng sasakyan na si Butch Briones, 33-anyos, residente ng Brgy. San Vicente sa parehong bayan, kaya kanya itong pinaandar.

Huli na nang malaman niyang nahulog na pala ang sanggol sa sasakyan na dumanas nang matinding pinsala sa katawan partikular sa kanyang ulo.

Naisugod pa sa pagamutan si John Carlo ngunit idineklarang dead on arrival.

About Hataw News Team

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …

Leave a Reply