Thursday , August 18 2022

Holdaper sugatan, 1 pa arestado sa parak

SUGATAN ang isang holdaper makaraang barilin ng humahabol na pulis habang arestado ang isa pang suspek matapos holdapin ang isang babaeng pasahero ng pampasaherong jeep sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Si Jasper Siguan, 32, residente sa Basa Compound, Zapote, Las Piñas City, ay tinamaan ng bala ng baril sa kanang kamay makaraang tangkaing barilin ang humahabol na pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

Nakapiit na rin sa detention cell ng Caloocan City Police ang kasama ni Siguan na si Mark Basilio, 25, security guard, at naninirahan sa 2nd Avenue, BMBA Compound, Brgy. 120 ng lungsod.

Samantala, pinaghahanap ng mga awtoridad ang isa pang kasama ng mga suspek na kinilalang si alyas na Richard Balbon, mabilis na nakatakas.

Base sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong 1:30 a.m. sa Rizal Avenue Extension, 1st Avenue, Brgy. 120.

Sa ulat ng pulisya, sumakay sa isang pampasaherong jeep ang mga suspek papuntang MCU at pagsapit sa naturang lugar, biglang inilabas ni Siguan ang dalang baril saka sapilitang kinuha ang bag ng biktimang si Merlyn Tenedero, 20, waitress, ng Brgy. San Jose, Navotas City.

Ngunit nang makakita ng patrol car ang driver ng jeep ay mabilis na inihinto sa harap ang minamanehong sasakyan at humingi ng tulong sa mga pulis na sina PO2 Jayson Tan at PO1 Brando Corpuz.

Hinabol sila ng mga pulis at nang maabutan si Siguan ay tinangkang paputukan si PO2 Tan ngunit naunahan siyang barilin  sa kamay.

About Hataw News Team

Check Also

Angelica Panganiban Camille Prats

Angelica inamin nagkaroon ng trauma ‘pag nadadagdagan ang timbang

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Angelica Panganiban sa Youtube vlog ng kaibigan na si Camille Prats, ay …

Vico Sotto

MAYOR VICO PANG ‘SENIOR’ NA ANG TUHOD
Binawalan ng sobrang paglalakad

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanyang Facebook account noong Sabado, August 13, ay ibinahagi …

Joel Villanueva Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan

Sa ika-444 anibersaryo ng pagkatatag ng Bulacan
VILLANUEVA, FERNANDO, CASTRO NANGUNA SA SELEBRASYON AT PAGBIBIGAY-PUGAY 

PINANGUNAHAN ng Bulakenyong Senador at Senate Majority Leader Emmanuel “Joel” Villanueva, kasama sina Gobernador Daniel …

shabu

P.340-M droga kompiskado sa 5 miyembro ng criminal group

ARESTADO ang limang hinihinalang miyembro ng Randy Domingo Crime Group sa ikinasang buy bust operation …

earthquake lindol

5.5 magnitude na lindol yumanig sa Davao del Sur

NIYANIG ng magnitude 5.5 lindol ang lalawigan ng Davao del Sur nitong Lunes ng hapon, …

Leave a Reply