Sunday , August 7 2022

Ampon na 9-anyos nagbigti (Binantaang isasauli sa magulang)

ILOILO CITY – Nagbigti ang isang 9-anyos batang lalaki makaraang bantaan ng ginang na umampon sa kanya na ibabalik sa kanyang tunay na mga magulang makaraang nakawin ang cellphone ng kanilang kapitbahay kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Joseph Jimenez, Grade 3 pupil sa Dacutan Elementary School, Dacutan, Dumangas, Iloilo, natagpuang nakabigti sa labas ng comfort room ng kanilang bahay.

Sa ulat ng Dumangas Municipal Police Station, pinagalitan ni Anielyn Jimenez ang kanyang ampon nang matuklasang nagnakaw ng cellphone sa kanilang kapitbahay.

Binalaan ng ginang ang bata na ibabalik sa kanyang tunay na mga magulang sa lalawigan ng Guimaras.

Ngunit makaraang mag-igib ng tubig sa balon, nagulat ang ina nang madatnan ang kanyang adopted child sa kanilang bahay na nakabigti sa labas ng kanilang comfort room gamit ang nylon cord.

About Hataw News Team

Check Also

080522 Hataw Frontpage

Sa GenSan
6 PATAY, 7 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN 

ANIM katao ang namatay habang pito ang sugatan sa naganap na banggaan ng tatlong sasakyan …

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

GRABENG napinsala pero nakaligtas sa kamatayan ang isang 26-anyos lalaki nang tangkaing magpakamatay sa pamamagitan …

Alcatraz Prison

Mala-Alcatraz na kulungan, itatayo para sa heinous crime convicts

MAGTATAYO ng mala-Alcatraz na pasilidad para sa bilanggong nahatulan sa heinous crimes, gaya ng murder, …

shabu drug arrest

3 bigtime tulak nalambat sa Pampanga

NAPIGIL ng pulisya sa lalawigan ng Pampanga ang pagkalat ng milyong pisong halaga ng ilegal …

Bulacan Police PNP

Alyas Waway timbog sa pagtutulak ng shabu 14 kalaboso sa Bulacan

NAHULOG sa mga kamay ng batas ang isang matinik na tulak sa isinagawang operasyon ng …

Leave a Reply