Monday , August 8 2022

10-M deboto dadagsa sa traslacion ng Black Nazarene

TINATAYANG aabot sa 10 milyong deboto ang dadagsa sa traslacion ng Black Nazarene sa Enero 9.

Inaasahang darami kung hindi man dodoble ang bilang ng mga deboto dahil natapat sa weekend ang prusisyon.

Dahil dito, ayon kay MPD Operations and Plans Division chief Lucile Faycho, bumuo na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Task Force Nazareno na pangungunahan ni NCRPO Regional Director, Chief Supt. Joel Pagdilao.

Aniya, tutulungan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), local government ng Maynila, Department of Health (DoH), Philippine Red Cross (PRC), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang PNP para sa seguridad ng mga deboto ng Black Nazarene na sasama sa traslacion.

Nagpaabiso na rin ang PNP sa mga motorista na isasara sa Sabado para sa traslacion ang dalawang lanes ng Roxas Boulevard, Quezon Boulevard, at ang mga tulay ng Quezon (patungong Quiapo), MacArthur (patunging Sta. Cruz) at Jones (patungong Binondo).

Samantala, hiniling ni Faycho ang kooperasyon ng publiko na huwag nang magsama ng mga bata at matatanda sa prusisyon para maiwasan ang ano mang disgrasya.

Plaza Miranda nilinis na para sa traslacion ng Nazareno

SINIMULAN nang linisin ang Plaza Miranda nitong Lunes.

Ito ay bilang paghahanda sa traslacion ng Nazareno sa Enero 9.

Pinangunahan ng Plaza Miranda Police Community Precinct (PCP) at ng mga tauhan ng Department of Public Safety ng Manila City Hall ang paglilinis ng plaza.

Binomba ng tubig ng mga bombero ang plaza. Sinabon at nilagyan din ito ng disinfectant upang maglaho ang umaalingasaw na amoy.

Samantala, umapela si PCP commander John Guiagi sa mga nagtitinda na tulungan silang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa lugar.

About Hataw News Team

Check Also

080522 Hataw Frontpage

Sa GenSan
6 PATAY, 7 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN 

ANIM katao ang namatay habang pito ang sugatan sa naganap na banggaan ng tatlong sasakyan …

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

GRABENG napinsala pero nakaligtas sa kamatayan ang isang 26-anyos lalaki nang tangkaing magpakamatay sa pamamagitan …

Alcatraz Prison

Mala-Alcatraz na kulungan, itatayo para sa heinous crime convicts

MAGTATAYO ng mala-Alcatraz na pasilidad para sa bilanggong nahatulan sa heinous crimes, gaya ng murder, …

shabu drug arrest

3 bigtime tulak nalambat sa Pampanga

NAPIGIL ng pulisya sa lalawigan ng Pampanga ang pagkalat ng milyong pisong halaga ng ilegal …

Bulacan Police PNP

Alyas Waway timbog sa pagtutulak ng shabu 14 kalaboso sa Bulacan

NAHULOG sa mga kamay ng batas ang isang matinik na tulak sa isinagawang operasyon ng …

Leave a Reply