Thursday , June 4 2026

Dalagita nagbigti (Makaraang makipagkita sa BF)

TUGUEGARAO CITY- Nagbigti ang isang 17-anyos dalagita sa bayan ng Baggao, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Alona Alonzo,17-anyos.

Batay sa salaysay ng ina ng biktima na si Ginang Leonor, sa PNP Baggao, nagpaalam ang kanyang anak na pupunta sa bahay ng kanyang kasintahan na si Jess Taberdo.

Ngunit pagbalik ng tanghali ay sinabihan siya na huwag siyang distorbohin sa kanyang pagtulog sa kanyang silid.

Pagkalipas ng ilang oras, kinatok niya ang silid ng kanyang anak para kumuha ng hanger ngunit hindi tumutugon ang biktima.

Dahil dito, tumawag siya ng kapitbahay para tulungan siya na mabuksan ang pintuan ng silid ng kanyang anak.

Laking gulat ng ginang nang makitang nakabitin na sa kisame ang kanyang anak at wala nang buhay.

Ayon sa PNP Baggao, kakausapin pa nila ang kasintahan ng dalagita upang malaman kung ano ang motibo sa pagpapakamatay ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …