Sunday , August 14 2022

Natutulog ba ang HPG laban sa illegal terminal sa EDSA, Pasay City?

illegal terminal pasayTUTULOG-TULOG ba ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa pamumuno ni Chief Supt. Arnold Gunnacao at hindi niya napapansin ang napakahabang illegal terminal diyan sa kanto ng Roxas Blvd., at EDSA sa Pasay City?!

Natuwa pa naman tayo nang linisin ng PNP-HPG ang Mabuhay Lane. ‘Yun bang tipong lahat ng nakaharang sa kalsada ay hinahatak at sapilitang binabaltak.

Hindi ba’t nagkahabulan at nagkabarilan pa nga nang linisin ‘yang Mabuhay Lane?!

‘E bakit ‘yang napakahabang ‘parada’ ng sasakyan sa ilalim ng tulay sa Roxas Blvd., at EDSA, Pasay City, hindi malinis-linis ng PNP-HPG?!

Hindi ba ninyo alam na grabeng traffic ang idinudulot ng mga nakahambalang na sasakyan diyan sa area na ‘yan.

Kantong-kantong po iyan, kaya ‘yung galing sa SM MOA  na kakanan sa Roxas Blvd., e nag-iimbudo na sa area na ‘yan.

Nagtataka naman tayo kung bakit hindi ito napapansin ng mga taga-PNP-HPG gayong kitang-kita na ‘yan ay cause ng traffic.

Mayroon bang nakikinabang diyan na hindi kayang banggain ng PNP-HPG?!

Aba, ano na ang nangyari sa sinasabi ni Gen. Gunnacao na lilinisin ng PNP-HPG ang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila para sa ikagagaan at ikaluluwag ng trapiko ng mga sasakyan?!

Pulis ba talaga si Gen. Gunnacao o arkitekto?!

‘E napakahusay magdrowing!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Hataw News Team

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply