Wednesday , August 10 2022

Paglago ng INC tuloy sa 2016

1217 FRONTSA gitna ng sunod-sunod na pagpapatayo ng 1,155 kapilya dito at sa ibang bansa sa loob lamang ng limang taon at ilan pang mga gusaling-sambahan na nakatakdang pasinayaan sa ilang buwan mula ngayon, sinabi ng tagapagsalita ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Edwil Zabala kahapon na ang “di-matawarang” paglago ng Iglesia ay nagaganap sa ilalim ng pamumuno ni Executive Minister Ka Eduardo V. Manalo.

Tuloy-tuloy na isasakatuparan ang paglagong ito hanggang sa taon 2016 sa suporta ng mga miyembro sa buong mundo.

“Niyakap ng aming mga kaanib ang pananaw ng ating pangasiwaan at ang kanilang pananampalataya ay lalo pang pinalakas matapos makita kung paanong pinalago ng Diyos ang Iglesia sa loob ng limang taon,” ayon kay Zabala. 

Sa 1,155 kapilyang inihandog mula nang manungkulan si Ka Eduardo V. Manalo bilang pinuno ng INC noong Setyembre 2009, 64 kapilya ang nasa ibayong dagat – na nasa 12 bansa at apat na kontinente.

Sa Estados Unidos, 37 kapilya ang “naihandog” na. Anim pang mga kapilya ang pasisinayaan sa US sa 2016 habang nakatakdang magpatayo sa Canada at Japan ng mga estrukturang panrelihiyon.

Sa Luzon, Visayas, at Mindanao, 1,091 kapilya ang naipatayo at naipaayos sa nakalipas na limang taon kabilang ang ilan pang mga bahay-pagsamba sa taon 2016.

“Dahil sa pagpapala ng Diyos at sa pananampalataya ng ating mga Kapatid, hindi lamang napagtagumpayan ng Iglesia ang mga hamon na iniharap sa amin – pinaglago pa nang husto ng Diyos ang Iglesia,” pagtatangi ng ministro.

Ayon kay Zabala, ang mga walang basehan at pinagplanohang mga paninira laban sa Iglesia noong mga nagdaang buwan ay hindi nagtagumpay sa kanilang mga layunin.

“Sunod-sunod ang mga pagtatangka ng aming mga kritiko upang sirain ang pagkakaisa ng mga Kapatid at gibain ang aming reputasyon. Ngunit hindi sila nagtagumpay. Lalo pa ngang napalapit ang ating mga kapatid sa isa’t isa dahil nakikita nila ang kasamaan ng layon ng mga pagtatangkang ito laban sa Iglesia.”

About Hataw News Team

Check Also

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

NASAMSAM ang P120,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa live-in partners sa ikinasang drug buy …

Sa Rizal P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

Sa Rizal
P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

DERETSO sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makompiska sa kanila …

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Leave a Reply