Thursday , June 4 2026

7 arestado sa drug raid sa Sultan Kudarat

KORONADAL CITY- Arestado ang pitong katao sa isinagawang ‘one time big time’ drug raid sa probinsya ng Sultan Kudarat kahapon ng madaling araw.

Inihayag ni Sultan Kudarat Police Provincial Information Officer, Supt. Renante Cabico, sabay isinagawa ang naturang drug raid na nag-umpisa dakong 3 a.m. sa tatlong lugar sa Sultan Kudarat na kinabibilangan ng Tacurong City, Lambayong at Isulan.

Sa nasabing pagsalakay ay nadakip ang pitong suspek at nakuha mula sa kanila ang iba’t ibang klase ng baril, maraming sachet ng shabu, pinakamarami ay galing sa bayan ng Isulan na umabot sa 21 sachet, iba’t ibang drug paraphernalia at manufacturing tool sa paggawa ng baril.

Ayon sa opisyal, matagal nang minamanmanan ang mga suspek dahil nasa drug watch list ang pangalan nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …