Wednesday , August 10 2022

Maligayang Bayad with Expresspay

ANG pagbabayad ng mga singilin ay problema ng bawat pamilya o indibidwal bunga na rin sa mahaba ang pila, sopresang surcharge at malaking abala kapag panahon ng pista opisyal o holiday season.

Ngayong parating ang Pasko, kakailanganin ng bawat isa na makapag-save ng kanilang pera pambili ng mga regalo at Noche Buena habang ilan sa mga inaaak ang nag-aabang naman ng kanilang Aguinaldo.

Dahil dito, nais ngayon ng Expresspay na magpatupad ng sarili nitong bersyon ng pagbibigay ng Aguinaldo sa kanilang mga consumer sa pamamagitan ng bago nitong promo na ‘Balik P5 kada bill.

Simula sa buwan na ito hanggang Pebrero sa susunod na taon ang Expresspay ay magbibigay sa kanilang mga customer ng isang voucher gift P5 para sa bawat bill na kanilang binayaran saan mang sangay upang kahit paano ay maging sulit ang pinagpaguran na kinikitang pera.

Ang nasabing voucher ay may-bisa nang isang taon mula sa petsa na kanilang makukuha at magagamit ito para sa alinmang serbisyo ng Expresspay gaya ng  money transfer at courier service at maaari rin gamitin upang ibawas mula sa susunod na bill at pwede rin ipambili sa kanila ng prepaid load.

“Pay your bills at ExpressPay and redeem your vouchers, just in time for Christmas. ‘Tis the season for giving, after all, and this move is our way to give back to our customers, for their loyalty which has allowed the center to constantly branch out and expand its offerings to communities all over the Philippines,” ani ExpressPay Marketing Director David Mascenon.

Ang kompanya ay naitatag noong 2011 at mayroon nang 800 branches nationwide na may layunin na makapagbigay nang mahusay na serbisyo, ligtas na pagbabayad, makatuwirang services payment sa publiko.

 Kamakailan lamang ay nanalo sa Golden Globe Annual Awards for Business Excellence 2015 ang kompanya bilang “Best Payment Center Franchise” bunsod na rin sa pagtataglay nito ng pinakamahusay na serbisyo sa nabanggit na industriya.

Para sa karagdagang impormasyon sa naturang promo maaaring bumisita sa Balik P5 Kada Bill sa ExpressPay page on Facebook o sa kanilang  official website na www.serbisyongexpresspay.com. (JS)

About Hataw News Team

Check Also

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

NASAMSAM ang P120,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa live-in partners sa ikinasang drug buy …

Sa Rizal P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

Sa Rizal
P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

DERETSO sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makompiska sa kanila …

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Leave a Reply