Friday , August 12 2022

Sino si Arnel Bacarra ng Comelec?

 

EDITORIAL logoKAILANGANG ngayon pa lang ay magpaliwanag na ang mga commissioner ng Comelec kung tunay ang akusasyong “luto” na ang desisyon sa kasong residency at citizenship na kinakaharap ni Sen. Grace Poe.

Kamakailan, sa isang bukas na liham sa media ng Bantay-Balota ng Bayan, ibinunyag nito na isang nagngangalang Arnel Bacarra, general manager ng Baseco ay nagsabing tiniyak na sa kanya ni Commissioner Andres Baustista na madi-disqualify si Poe sa Comelec en banc, at tuluyang hindi na makatatakbo sa darating na presidential elections.

Si Bacarra ay sinasabing empleyado rin ng Comelec habang kasalukuyang hawak ang posisyong GM sa Baseco.

Ayon sa Bantay-Balota ng Bayan, si Ba-carra na protégé at ‘tirador’ ni Bautista, ang unang nagbigay ng impormasyon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice sa magiging desisyon ng 2nd Division ng Comelec sa kasong isinampa laban kay Poe ng abogadong si Estrella Elamparo.

Ibinunyag din ng grupo na kung tulu-yang hindi makatatakbo si Poe sa eleksi-yon at maging pangulo si Mar Roxas, ma-giging mahistrado ng Korte Suprema si Bautista bilang premyo sa kanyang gagawin sa senadora.

Lantaran ang ginagawang pambabrasong ito ng Comelec kung tunay nga ang plano ng mga commissioner at ni Bautista laban kay Poe.

Malaking gulo ito kung ang gagawing desisyon sa kaso laban kay Poe ay hindi base sa merito kundi dahil lang sa kapritso ng mga commissioner.

About Hataw News Team

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

‘Di holiday ngayon; tanungin n’yo pa si JPE

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINITA ng Commission on Audit (COA) ang Department of …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

‘Wag naman…

AKSYON AGADni Almar Danguilan MATINDI ba ang galit mo kay Quezon City Mayor Joy Belmonte? …

Sipat Mat Vicencio

Mga sama ng loob ni Imee

SIPATni Mat Vicencio KUNG meron mang pinakamalungkot na nilalang sa balat ng lupa ngayon, walang …

Sipat Mat Vicencio

Poe nagulat sa pagkambiyo ni Bongbong sa DDR

SIPATni Mat Vicencio NABUHAYAN ng loob ang maraming senador kabilang na si Senator Grace Poe, …

Krystall Herbal Oil

Manugang mabilis na nanganak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply