Saturday , August 13 2022

Lider ng drug group itinumba sa Quezon (1 pa sugatan)

NAGA CITY – Patay ang isang “Lambat-Sibat” priority target ng mga awtoridad, habang sugatan ang isa pa makaraang pagbabarilin sa Tiaong, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang biktimang napatay na si Melvin Uypico, 49-anyos, habang sugatan si Ronelyn Andao, 22-anyos.

Napag-alaman, pinagsalitaan ni Andao nang masasakit na salita ang suspek na kinilala sa pangalang Buyoy, na nagresulta sa pamamaril ng salarin.

Tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Uypico na nagresulta sa agaran niyang pagkamatay.

Habang itinakbo sa pagamutan si Andao upang malapatan ng lunas.

Napag-alaman, kabilang si Uypico sa mga ‘Lambat-Sibat’ priority target ng San Pablo City Police Station dahil siya ang lider ng Uypico Drug Group.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad ng insidente.

About Hataw News Team

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …

Leave a Reply