Thursday , August 11 2022

Babala kay Comelec Chair Andy Bautista

EDITORIAL logoKUNG inaakala ng mga may pakana ng disqualification case laban kina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na walang mabigat na implikasyon sa pamahalaan ang kanilang ginagawa  ay nagkakamali sila.

Dapat timbangin nang mabuti ng grupong nagnanais na maalis sa presidential race sina Poe at Duterte kung anong kapahamakan ang kanilang tinutungo sa sandaling magtagumpay sila na maialis ang dalawang kandidato sa pagkapangulo. Kung magtatagumpay ang grupong ito na mailuklok  si Mar Roxas, hindi kaya ka-sing kahulugan naman ito ng sunod-su-nod na gulo na mangyayari sa mga lansangan kung tuluyang mapapatalsik nila sina Poe at Duterte sa pamamagitan ng mga kasong inihain nila sa Comelec?

Sina Poe at Duterte ang kasalukuyang pinakapopular na kandidato sa pagkapa-ngulo samantala, kulelat si Roxas. At kung mananalo si Roxas, tiyak na magkakagulo dahil hindi ito matatanggap ng milyon-mil-yong supporters ng dalawang kandidato sa pagkapangulo.

At gaano rin katotoo ang usap-usapan na malamang makialam ang ilang grupo sa loob ng PNP at AFP sakaling tuluyang iluklok si Roxas bilang presidente at biguin ang kandidatura nina Poe at Duterte sa Comelec?

Lalabas na hindi tunay na kagustuhahn o boses ng taong bayan kung ipipilit nilang manalo si Roxas sa darating na halalan, at malamang ito ang maging mitsa ng gulo sa Filipinas.

Kailangan sigurong mag-isip-isip nang malalim si Comelec Chairman Andres Bautista at ang kanyang commissioners sa mga susunod nilang gagawin lalo sa usapin ng DQ cases na kinakaharap nina Poe at Duterte.

About Hataw News Team

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

‘Di holiday ngayon; tanungin n’yo pa si JPE

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINITA ng Commission on Audit (COA) ang Department of …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

‘Wag naman…

AKSYON AGADni Almar Danguilan MATINDI ba ang galit mo kay Quezon City Mayor Joy Belmonte? …

Sipat Mat Vicencio

Mga sama ng loob ni Imee

SIPATni Mat Vicencio KUNG meron mang pinakamalungkot na nilalang sa balat ng lupa ngayon, walang …

Sipat Mat Vicencio

Poe nagulat sa pagkambiyo ni Bongbong sa DDR

SIPATni Mat Vicencio NABUHAYAN ng loob ang maraming senador kabilang na si Senator Grace Poe, …

Krystall Herbal Oil

Manugang mabilis na nanganak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply