Monday , August 8 2022

8 estudyante sinampal, guro kalaboso

DAGUPAN CITY- Desididong magsampa ng kaso ang mga magulang ng apat sa walong estudyanteng sinampal ng kanilang guro sa isang paaralan sa Lungsod ng Urdaneta.

Batay sa salaysay ng mga magulang ng mga estudyante, nagsimulang magalit ang gurong si Madam Maricar Magtuto nang magkapikonan at magkasakitan ang mga mag-aaral sa isang aktibidad.

Dahil dito, ipinatawag ng guro ang walong Grade 9 students at binantaan saka inutusang sampalin ang isa’t isa.

Hindi pa nakuntento ang guro at siya na mismo ang sumampal sa mga biktima habang nakapikit at nakatalikod.

Sa ngayon, nakapiit na sa Urdaneta City Police Station ang naturang guro.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Rice, Bigas

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, …

Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo …

Leave a Reply