Friday , June 5 2026

Nahihibang si Sen. Alan Cayetano

EDITORIAL logoE, mano naman kung si Sen. Alan Cayetano ang maging Vice President ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte?

Hindi nangangahulugang panalo na si Cayetano kung siya man ang maging running mate ni Duterte.

Kung tutuusin, kahit sino ang maging tandem ni Cayetano, maging si Sen. Grace Poe, si Vice President Jojo Binay, si Mar Roxas o Si Sen. Miriam Santiago, walang kapana-panalo si Cayetano sa vice presidential race.

Kahit sa mga survey na isinagawa ng Pulse Asia at  Social Weather Stations, halos kulelat sa ranking si Cayetano. Patunay lang, galit ang  publiko kay Cayetano at hindi iboboto ng taumbayan sa pagka-bise presidente.

Nakatatawa dahil halos lahat ng tarpaulin na nakadikit sa Metro Manila, kasama at laging katabi ang pagmumukha ni Cayetano  kay Duterte.  Pero hindi ibig sabihin na ang makukuhang boto ni Duterte ay boto rin ni Cayetano sakali mang matuloy ang kanilang kandidatura.

Hindi dapat magdiwang ang kampo ni Cayetano.  Hindi pa nakasisigurong makatatakbo bilang pangulo si Duterte kung substitution ang pag-uusapan dahil wala na naman siya papalitang kandidato.

Tuluyan na ngang nag-withdraw ng kanyang candidacy si Martin Diño kung kaya’t walang papalitan si Duterte.

Isa pa, sino ba ang nagsabing sure winner na si Duterte kung siya nga ay tatakbo sa pagkapangulo?  Hindi na dapat paniwalaan si Duterte, walang isang salita, balisawsawin at urong-sulong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …