Saturday , May 18 2024

Preso uminom ng asido, tigok

LA UNION – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang preso makaraang uminom ng muriatic acid kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Julius Alabanza, 41, residente ng Brgy. San Nicolas Central sa bayan ng Agoo.

Batay sa impormasyon mula sa municipal jail, nagpaalam si Alabanza sa mga jail guard na gagamit ng banyo ngunit pagkalabas ay bigla na lamang sumakit ang tiyan at sumuka.

Itinakbo sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na nailigtas pa ng mga doktor.

Napag-alaman, namatay ang biktima dahil sa pagkasira ng kanyang laman-loob bunsod nang ininom na kemikal.

Hindi pa malinaw kung bakit ito ginawa ng nasabing preso.

About Hataw News Team

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *