Thursday , June 4 2026

10-wheeler truck sumalpok sa poste 3 sugatan

BAGUIO CITY – Isinugod sa pagamutan ang driver ng isang 10-wheeler cargo truck at dalawa pang biktima makaraang bumangga ang kanilang sasakyan sa poste ng koryente sa Bokawkan road, Lungsod ng Baguio, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang driver ng truck (XBY-674) na si Rolando Benzon, nasa legal na edad, tubong San Fernando, Pampanga, habang ang dalawang kasama niya ay dumanas ng minor injuries lamang.

Ayon sa mga imbestigador, may kargang tiles at plywood ang naturang truck mula sa Bokawkan at patungo sana sa La Trinidad, Benguet nang mawalan ng preno.

Napag-alamang binangga nito ang isang van (NOM-847) na pag-aari ni Camelo dela Cruz, ngunit hindi nasaktan ang driver.

Makaraang mabangga ng truck ang naturang van ay dumiretso sa isang poste ng koryente bago tuluyang sumalpok sa isang tindahan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …