Tuesday , October 3 2023

Basura ang senatorial slate ng LP

EDITORIAL logoWALANG binatbat ang senatorial slate ng Liberal Party (LP) na ipinagmamalaki ni Pangulong Noynoy Aquino.

Maliban marahil kina Sen. Frank Drilon, Sen. Ralph Recto at dating senador Panfilo Lacson, ang mga natitirang kandidato ng LP ay maituturing na basura.

Tiyak na dadamputin sa kangkungan ang mga kandidato ng LP tulad nina Risa Hontiveros, Mark Lapid, Leila de Lima, Jericho Petilla, Teofisto Guingona, Francis Pangilinan at Joel Villanueva. At sino naman ang mga alien na kandidato ng LP na sina Nariman Ambolodto at Cresente Paez?

Hindi natin alam kung sa Mars o Jupiter nanggaling itong sina Ambolodto at Paez.  Kitang-kitang walang lalim ang senatorial slate ng LP at malamang na ilampaso lang ito ng mga kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) o ng tambalang Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero.

Nakahihiya. Ito ba ang ipinagmamala-king senatorial slate ng daang matuwid? Kahit sa survey ng Social Weather Station (SWS) si Sen. Tito Sotto ang nanguna at pumasok din si Manny Pacquiao at Richard Gordon sa “Magic 12” para sa halalan sa 2016.

Malinaw na ang senatorial line up ng LP ay repleksiyon lamang kung gaano rin kahina ang kanilang presidential standard bearer.  Dito masusukat na talagang mahina si Roxas kung ikokompara sa kanyang makakalabang sina Poe at Binay.

Walang laman ang ipinagmamalaking kandidato ng daang matuwid.

About Hataw News Team

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Zamboanga City Jail, kauna-unahang BJMP Gray Dove Awardee

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINARANGALANG Best Jail Facility nitong 21 Setyembre 2023 ang Zamboanga City Jail-Male …

Sipat Mat Vicencio

 ‘Wag n’yong ‘paikutin’ si Digong

SIPATni Mat Vicencio SILIP NA SILIP ang diskarte ng mga tusong politikong gustong gamitin at …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Tsokolateng dollar bills

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NA-HULICAM sa umano’y paglunok ng dollar bills na nagmula …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *