Saturday , April 27 2024

Bagahe ni Bongbong si Liza Araneta

EDITORIAL logoASAWA ni Sen. Bongbong Marcos si Liza Araneta Marcos.  Ngayong nagdeklara na ng kanyang kadidatura si Bongbong bilang kandidato sa pagka-bise presidente, marami ang nagsasabing ang kanyang asawa ang magiging dahilan ng kanyang pagkatalo.

Sa loob mismo ng kanilang kampo, hindi iilan ang nakakabangga nitong si Liza.  Marami ang nagsasabing hindi maganda ang pag-uugali nitong si Liza kaya marami ang naaasar at napipilitang lumayas sa opisina ni Bongbong.

Partikular sa kanyang media group, isang veteran journalist na dating reporter ng Daily Globe ang tumulong kay Bongbng noong kasagsagan ng DAP issue pero matapos makahulagpos ang senador sa nasabing kontrobersiya kaagad na sinibak.

Marami ang nagsasabing ang kawalanghiyaang ito ay kagagawan lahat ng asawa ni Bongbong na si Liza. Isa pang veteran jounalist ang sinibak din nila matapos na manalo si Bongbong noong 2010 elections. Sa kabila ng maliit na sahod at malaking tulong na nagawa kay Bongbong, nagawa pa nilang sibakin ang mamamahayag.

Ang ganitong hindi magandang pakikitungo ni Liza sa mga tumutulong kay Bongbong ay tiyak na magpapabagsak sa vice presidential bid ng kanyang asawa.  Marami pang baho ang dapat na ilabas sa mga pinaggagawa nila sa loob ng opisina ni Bongbong. Kailangang mailantad ito sa taumbayan.

About Hataw News Team

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *