Thursday , June 4 2026

2 estudyante patay, 4 sugatan sa truck vs trike (Sa Quirino Province)

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang dalawang estudyante habang sugatan ang apat iba pa makaraang banggain ng dump truck ang kanilang sinasakyang tricycle sa Saguday, Quirino kamakalawa.

Sa nakuhang impormasyon mula sa Saguday Police Station, ang dalawang namatay ay sina Kenneth Badil, 17, residente ng Brgy. Banuar, Cabarroguis, Quirino; at Shiela Castillo, 13, residente ng Brgy. San Leonardo, Aglipay, Quirino.

Habang ang mga sugatan ay sina Aloha Pukkaw, Hazel Jane Castillo, Judy Claire Sabado, at Valerie Ramos.

Sa pagsisiyasat ng PNP Saguday, ang mga biktima ay pauwi na sa bayan ng Aglipay nang agawan sila sa linya at salpukin ng truck na minamaneho ni Mortiner Tacadena, residente ng Brgy. Andres Bonifacio, makaraang unahan ang sinusundang sasakyan.

Sa lakas ng impact ng banggaan, tumilapon ang sinasakyang tricycle ng mga biktima.

Habang nahuli at dinala sa himpilan ng pulisya si Tacadena para sa kaukulang disposisyon at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple serious physical injuries with damage to property.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …