Friday , June 5 2026

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

Arrest Posas Handcuff

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. 2 Most Wanted Person (MWP) sa tala ng Marilao, Bulacan, dahil sa kasong panggagahasa. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Marilao MPS ang suspek dakong 12:30 ng hapon, nitong Martes, 22 Abril. …

Read More »

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

Anglees Pampanga PNP Police

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon upang matukoy at maaresto ang salarin ng isang turistang Korean national. Ayon sa lokal na pamahalaan, binawian ng buhay ang Korean national na kinilala sa pangalang “Kim” matapos barilin sa Korean Town area sa lungsod ng Angeles, Pampanga, nitong Linggo, 20 Abril. Sa …

Read More »

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ under-21 team  sa katatapos  na 60th Malaysia Invitational Age-Group Water Polo Championships sa Kuala Lumpur, Malaysia. Sa gabay ni head coach Roi Dela Cruz sa ilalim ng pangangasiwa ng Serbian mentor at consultant na si Filip Stojanovic, bumalikwas ang Filipino boys squad mula sa magkasunod …

Read More »

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad ng safety adaptation plan na akma sa kani-kanilang industriya at operasyon dahil maaaring ikamatay ng mga manggagawa ang kasalukuyang temperatura. Ayon sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pumalo na nga sa 50°C o “dangerous level” ng heat index ang temperatura …

Read More »

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

Neri Colmenares

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kasong impeachment complaint na isinampa laban sa ikalawang mataas na opisyal ng bansa. Inihayag ni Colmenares sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay, sa Café Adriatico, malate, Maynila, malakas ang kasong isinampa at inihain nila laban sa bise presidente kung …

Read More »

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

042425 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) nang madiskubreng ibinangketa o hindi isinuko ang mga nakompiskang marijuana sa limang sugarol na inaresto sa isinagawang Oplan Galugad sa lungsod sa bisperas ng Semana Santa. Batay sa ulat, nasa restrictive custody ngayon ang 10 operatiba mula sa Holy Spirit Police Station 14, kasunod ng …

Read More »

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

Vico Sotto

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si Vico Sotto ay nahaharap sa mga panawagan na gumawa ng mas matinding hakbang upang tugunan ang mga patuloy na isyu sa konseho ng lungsod. May mga residente ng Pasig na nag-aalala at humihiling na disiplinahin ang mga konsehal na diumano’y nagdudulot ng hindi kinakailangang kontrobersiya. …

Read More »

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

Joey Salceda

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa pagtatapos ng kanyang termino sa Kamara sa darating na Hunyo. Mga limang milyon sa naturang SCs ang mahirap. Nangangampanya siya ngayon sa muling pagka-gubernador ng Albay. Nitong nakaraang 2024, pinamunuan ni Salceda ang ‘joint House Ways and Means, …

Read More »

Sa gitna ng lumalalang trapiko sa Metro Manila
TRABAHO Partylist, nananawagan lumikha ng sustainable at maayos na pasahod sa mga probinsiya

TRABAHO Partylist, nananawagan lumikha ng sustainable at maayos na pasahod sa mga probinsiya

NANAWAGAN ang TRABAHO Partylist para sa paglikha ng mga sustainable at may maayos na pasahod na trabaho sa mga probinsiya bilang tugon sa patuloy na problema ng matinding trapiko sa Metro Manila. Ibinahagi ng grupo ang panawagan kasunod ng obserbasyon nitong nakaraang Semana Santa, na bumaba ang bilang ng mga sasakyan sa lansangan, isang patunay sa tindi ng karaniwang trapiko …

Read More »

Masaker sa Antipolo 7 patay sa pananaksak

Knife Blood

BINAWIAN ng buhay ang pitong indibiduwal matapos pagsasaksakin sa loob ng isang panaderya sa Purok Uno, Brgy. Cupang, sa lungsod ng Antipolo, nitong Martes, 22 Abril. Kinompirma ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Felipe Maraggun na pawang mga empleyado ng panaderya ang pitong biktima. Base sa paunang imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang wala nang buhay na mga katawan ng mga …

Read More »

Kaugnay sa isyu ng ‘preso caballeros’
Provincial jail warden ng Bulacan pinagbibitiw

DANIEL FERNANDO Bulacan

NAIS ni Bulacan Governor Daniel Fernando na magbitiw  na sa kanilang puwesto ang provincial jail warden ng Bulacan at ilang jail guards o harapin na masuspinde sila dahil sa maanomalyang aktibidad sa nasabing piitan. Ayon sa gobernador, inatasan niya ang Provincial Legal Office at ang Provincial Administrator na magsagawa ng imbestigasyon at magpatupad ng preventive suspension sa mga jail personnel …

Read More »

Mister patay sa pamamaril ng estranghero

police PNP Pandi Bulacan

NAMATAY habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa bayan ng Pandi, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng gabi, 21 Abril. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Rey Apolonio, hepe ng Pandi MPS, isinumbong ang insidente ng pamamaril sa kanilang tanggapan dakong 8:30 ng gabi kamakalawa sa P4 B11 L23 Pandi Residence …

Read More »

Naipit sa trapiko
Driver tiklo sa panunutok ng baril

Gun poinnt

DINAKIP ng pulisya ang isang lalaking driver matapos ireklamo ng panunutok ng baril laban sa isang driver nang magkagitgitan sa trapiko sa  bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, lumabas sa imbestigasyon na minamaneho ng biktima ang isang garbage truck sa kahabaan ng C. Mercado St., sa nabanggit na …

Read More »

Binaril sa milktea shop 2 kabataan todas

Gun Fire

PATAY ang dalawang estudyanteng kagagraduate lang nang pagbabarilin sa loob ng isang milktea shop sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 21 Abril. Ayon sa ulat mula sa San Jose del Monte CPS, naganap ang insidente ng pamamaril sa dining area ng Big Brew Milktea Shop sa Brgy. Paradise 3, sa naturang lungsod. Nabatid na …

Read More »

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang 27 sa Smart Araneta Coliseum, tahanan ng pinaka-prestihiyosong paligsahan ng sabong sa buong mundo. Kilala bilang “Olympics of Cockfighting,” muling magsasama-sama ang mga elite na breeders at magigiting na manok panabong sa isang kapana-panabik na pagtatanghal ng husay, diskarte, at tradisyon sa invitational 9-cock derby …

Read More »

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw nito, na may libo-libong sports clinics sa 40 sports na isasagawa sa buong bansa simula ngayong buwan. Ayon kay Carlo Sampan, pinuno ng MILO Sports, ang matagumpay na programa na tumatakbo na nang higit sa tatlong dekada ay sasaklawin ang buong Pilipinas, kabilang na ang …

Read More »

Sa CinePOP walang nabibitin,  isang POP tuloy-tuloy ang sarap

CinePoP Lover Boy Christian Albert Xian Gaza Joni McNab

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AYAW natinang eksenang gigil na gigil ka na, pero biglang putol. Iyong akala mong papunta na sa exciting part, pero biglang fade to black. Nakakabitin, hindi ba? Walang ganyan sa CinePOP! Dito, walang preno, walang paligoy-ligoy. Diretsahan, matapang, at hindi nahihiya sa totoong kaelyahan, totoong tukso, at totoong relasyon. Walang hiya-hiya, walang bawas-bawas. At higit …

Read More »

PBBM, Erap dumating sa huling gabi ng lamay

Nora Aunor Bongbong Marcos Erap Estrada

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ng napakaraming kaibigan, fans, pamilya, at kasamahan ang huling gabi ng lamay ni Nora sa The Heritage Memorial Park sa Taguig City. Magkasamang dumalaw sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa burol.  Dumating sina PBBM at FL Liza sa The Heritage Park bandang 6:00 p.m. at sinalubong ng mga anak ni Ate Guy na sina …

Read More »

Nora naihatid na sa huling hantungan, ginawaran ng Pagpupugay Ng Bayan  

Nora Aunor Pagpupugay Ng Bayan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PUNOMPUNO at dinaluhan ng mga kaibigan, fans, kapwa national artists, at pamilya ang State Funeralhonors ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor kahapon, Abril 22, 2025 na ginawa sa Metropolitan Theater sa Maynila. Sinimulan ang programa dakong 8:30 a.m. sa pamamagitan ng Arrival Honors na sinundan ng pagkanta ng National Anthem at Invocation, at ang speech ni …

Read More »

Hiro Magalona nalungkot na ‘di nasampal ni Ate Guy

Hiro Magalona Nora Aunor

MATABILni John Fontanilla NALUNGKOT ang aktor na si Hiro Magalona sa pagpanaw ng  nag-iisang Superstar Nora Aunor. Isa kasi si Hiro sa masuwerteng artista na nakatrabaho si Ate Guy sa teleserye ng Kapuso Network, ang Little Nanay na pinagbidahan ni Kris Bernal at ng superstar Nanghihinayang si Hiro na hindi natuloy ang isang eksenang sasampalin sana siya ni Ate Guy. ‘Di raw iyon natuloy dahil ini-request ni …

Read More »

Panalangin sa walang hanggang kapayapaan kina Pope Francis, Nora, Hajji 

Pilita Corrales Pope Francis Nora Aunor Hajji Alejandro

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang kalungkutang nadarama sa showbiz. Una si Pilita Coralles na hindi pa man naililibing, sumunod agad ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor. Tapos heto at ang OPM legend na si Hajji Alejandro ay binawian ng buhay. Subalit ang lubos na nagdadalamhati ay ang mga Katoliko sa pagpanaw ng People’s Pope na si Pope Francis. Inalala ng GMA 7 sa report …

Read More »

Xian Lim nag sky diving sa Egypt

Xian Lim Sky Diving

MATABILni John Fontanilla UNFORGETTABLE ang  bakasyon ng actor at licensed pilot na si Xian Lim sa Egypt kamakailan. Nakasama ng aktor sa bakasyon ang kanyang girlfriend na si Iris Lee, isang film producer. Sinubukan ni Xian kasama ang kanyang girlfriend na mag-sky diving. At sa kanyang Instagram ( Xian Lim ) ay ibinahagi ni Xian ang video ng kanilang sky diving experience na makikita ang napakagandang …

Read More »

Pinaka-Wild na show ng taon darating sa ‘Pinas

WILD WILD After Party

SA kauna-unahang pagkakataon, ang electrifying WILD WILD After Party ay darating na sa Maynila. Kaya ihanda ang sarili para sa isang high energy concert ng isang all-male sexy group mula Korea. Tiyak na ang musical experience na ito ay hindi lamang para sa mga babae bagkus para rin sa lahat ng gustong maranasan ang kasiyahan ng “WILD WILD” na mapapanood sa Mayo …

Read More »

Hajii Alejandro pumanaw matapos makipaglaban sa colon cancer

Hajji Alejandro

SUMAKABILANG-BUHAY na ang isa pang OPM icon na si Hajii Alejandro. Siya ay 70 taong gulang. Kinompirma ni Girlie Rodis, talent manager ng anak ni Hajji na si Rachel Alejandro ang balita ukol sa pagyao ng orihinal na Kilabot ng Kolehiyala. “It is with deep sorrow that we announce the passing of our beloved Dad and Son, Angelito ‘Hajji’ T. Alejandro. At this time, …

Read More »

Tara, PNP, pustahan tayo!

Firing Line Robert Roque

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National Police (PNP) sa sinasabi nitong bumaba ang crime rate sa bansa sa ilalim ng Marcos administration. Magtanong kaya sila sa mga tindahan, sa pila ng tricycle, o sa mismong mga istambay sa kanto. Walang hawak na datos ang mga ito, pero maikukuwento nila ang mga …

Read More »