Thursday , June 4 2026

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

5 sugatan sa trailer truck vs UV express

road accident

PAWANG sugatan ang apat pasahero at driver ng isang UV express makaraan banggain ng isang trailer truck sa kanto ng Taft at Ayala avenues sa Maynila, dakong 4:00 am nitong Linggo. Ayon sa ulat, tumagilid at nawasak ang van, at basag ang mga salamin. Salaysay ng mga saksi, mabilis ang takbo ng truck at “beating the red light” pa. Ayon …

Read More »

Lalaking naglaro ng ari tiklo sa lady cop (May tulo o buni?)

arrest prison

INARESTO ang isang lalaki na sinabing naglaro ng kanyang ari sa harap ng isang babaeng pulis habang lulan ng isang pampasaherong bus sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon. Nabatid sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek na si Ching Carreon, 34, empleyado ng Maynilad. Sakay si Carreon ng isang pampasaherong bus, mula Bocaue, Bulacan patungong Maynila, ngunit habang nasa …

Read More »

Sabit sa P3.5-B Dengvaxia scam lagot sa Palasyo

PANANAGUTIN ng Palasyo ang mga responsable sa  P3.5 bilyong Dengvaxia anomaly na naglagay sa panganib sa buhay ng libo-libong mag-aaral. “We will leave no stone unturned in making those responsible for this shameless public health scam which puts hundreds of thousands of young lives at risk accountable,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. Sinabi ni Roque, nakikipagtulungan ang Department of …

Read More »

2 Chinese nat’l na ipupuslit sa UK bigo sa BI-NAIA

BINIGO ng  Bureau of Immigration (BI) officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tangka ng human trafficking syndicate na papuslitin ang dalawang illegal Chinese nationals patungo sa United Kingdom, gamit ang Maynila bilang jump-off point. Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ni BI port operations division (POD) chief Marc Red Mariñas ang mga pasahero na sina Lin …

Read More »

Deputy Omb ng Visayas pabor sa iilan

PINAGDUDUDAHAN at nababahiran ng kontrobersiya ang tanggapan ni Deputy Ombudsman for Visayas Paul Elmer Clemente dahil sa inirereklamong kawalan ng aksiyon sa mga nakasampang kaso sa kanyang opisina. Matatandaan, nitong nakalipas na buwan ng Nobyembre ng kasalukuyang taon, nagbanta si dating Negros Oriental representative Jacinto Paras at ang abogado na si Manuelito Luna na sila ay magsasampa ng kasong Grave …

Read More »

Jeepney strike tuloy sa Bicol

jeepney

BAGAMA’T kinansela ng Piston ang itinakdang tigil-pasada ngayong Lunes at sa Martes, tiniyak ng transport group sa Bicol na itutuloy nila ang strike sa nasabing rehiyon upang tutulan ang jeepney modernization program ng gobyerno. Ayon kay Ramon Rescovilla, secretary general ng grupo, walang kasigurohang matutuloy ang Senate hearing kaya kasado ang tigil-pasada sa Bicol. Kaugnay nito, nangako si Senadora Grace …

Read More »

Kanseladong transport strike ok sa Palasyo

NATUWA ang Palasyo sa naging pasya ng PISTON na kanselahin ang binalak na transport strike ngayon at bukas. Umaasa ang Palasyo na makikipag-usap ang PISTON sa gobyerno at susuportahan ang matagal nang planong implementasyon ng PUV Modernization Program na may layuning bigyan ang mga commuter ng mas ligtas, mas maaasahan, kaaya-aya, environment-friendly at may dignidad na karanasan sa pagbibiyahe. “We …

Read More »

LTFRB tuloy sa bantay kalsada (Kahit kinansela ang tigil-pasada)

ltfrb

SINIGURO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), handa silang magbigay ng ayuda sa mga pasahero sakaling magkaroon nang biglaang transport strike. Ito’y makaraan ia­nun­siyo ng transport group PISTON, na iliban ang kanilang planong tigil-pasada sa 4-5 Disyembre. “We will remain in our monitoring mode, we will not deactivate our JQRT (Joint Quick Response Team) … we have directed …

Read More »

Tigil-pasada ng Piston kanselado (Jeepney strike tuloy sa Bicol)

KINANSELA ng transport group, Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang nakatakda nilang dalawang araw na tigil-pasada ngayong Lunes (4 Disyembre ) at Martes (5 Disyembre). Ayon kay George San Mateo, pangulo ng PISTON, hindi nila itutuloy ang transport strike upang bigyang-daan ang ‘urgent’ Senate hearing na ipinanukala ni Senador Grace Poe sa 7 Disyembre, ang layunin …

Read More »

Ogie, ‘di totoong tsinugi sa HSH

TALIWAS sa isinulat ng isang kasamahan sa hanapbuhay ay kabilang pa rin sa cast ng Home Sweetie Home si Ogie Diaz. May inilabas kasing item ang isang fellow columnist (hindi rito sa Hataw) na sa pag-alis ni John Lloyd Cruz sa nasabing sitcom ay inalis na rin sina Ogie, Bearwin Meily at iba pa. Although hindi pa confirmed kung totally out of the cast na si JLC, ang …

Read More »

Robin, natutulala pa rin kay Sharon

KAHIT ngarag at halos walang tulog sina Sharon  Cuneta at Robin Padilla masaya silang humarap sa media sa presscon noon ng Unexpectedly Yours same with  Julia Barretto and Joshua Garcia. Ito’y sa direksiyon ng blockbuster director Cathy Garcia Molina under Star Cinema. Nang ma­kaupo na ang main cast, aliw ang Megastar na pinagmamasdan sina Julia at Joshua na nagbubulungan. Nagbalik sa kanyang alaala noong time na ma-in love siya at an early age withGabby Concepcion. “Ang cute nila, nakatutuwa silang  pagmasdan,” say ni Shawie. Ayon kay Robin, …

Read More »

Maine, bakit nga ba hindi niligawan ni Alden?

WALANG duda, na dahil nagpa-panic na rin ang ilang mga taong may naapektuhang “interest” sa ipinalabas na letter ni Maine Mendoza, na nagsabing sawang-sawa na siya sa pakikialam sa kanyang personal na buhay at pagpupumilit ng iba kung ano ang dapat niyang gawin, nagsimula na silang gumawa ng damage control. Pero ang damage control eh hindi puwedeng si Maine ang …

Read More »

Final decision ni JLC, hinihintay pa rin ng HSH

NAMI-MISS na ni Toni Gonzaga ang kapartner niya sa Home Sweetie Home na si John Lloyd Cruz. Makikita ang kalungkutan ni Julie (Toni) dahil magpa-Pasko siya nang hindi kasama si Sweetie Romeo for the first time. Ano kaya ang gagawin niya sa kanyang pangungulila? Anyway, patuloy na mataas ang ratings ng Home Sweetie Home kahit wala si John Lloyd. Hinihintay lang kung ano ang final decision niya …

Read More »

Pagbubuntis ni KC, pinabulaanan ni Garie

NAKAUSAP namin si Garie Concepcion sa ABS-CBN. Napapanood siya ngayon sa La Luna Sangre. Balitang magkakaroon ito ng book 2 kaya nagdarasal din ito na hindi mamatay ang character niya. Happy at contented naman si Garie sa lovelife niya sa piling ng boyfriend niyang si Michael Pangilinan. Isang formula na nagtatagal ang relasyon nila ay tahimik lang at hindi nagpo-post sa social media. Pero itinanggi …

Read More »

Mensahe ni Kris kay Kim, ‘di minasama ni Xian

IGINIIT ni Xian Lim na maayos ang relasyon nila ni Kim Chiu at wala siyang dapat ipag-alala. Hindi naman niya minasama ang mensahe ni Kris Aquino sa rumored girlfriend niyang si Kim. Nag-wish kasi si Kris na makatagpo si Kim ng true and lasting love na parang may pinagdaraanan sina Xian at Kim. Hindi minasama ni Xian ang mensahe ni Kris dahil magkaibigan talaga ‘yung dalawa. Everytime …

Read More »

Jennylyn, ibinalibag ni Derek sa kama

MAS todo ang love scene ngayon nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado para sa filmfest movie nila na All of You na prodyus ng Quantum Films, MJM Productions, Globe Studios, at Planet Media Productions. Natawa na lang si Derek nang tanungin kung ibinalibag ba niya sa kama si Jen. Mas mapangahas at mas mature ang pagbabalik sa big screen ng winning tandem nina Jen at Derek. Ito ang …

Read More »

Marlo Mortel, mahal ng audience

HINDI nakapagtataka kung nagiging wild ang audience kapag kumakanta na si Marlo Mortel. Nasaksihan namin kung paano mag-entertain at handugan ng magagandang awitin ni Marlo ang audience nang suportahan niya ang album launching ng McLisse kamakailan sa SM Skydome. Sa McLisse album launching din una naming narinig kumanta ng live ang binata at maganda pala talaga ang boses niya kaya hindi …

Read More »

Pamaskong Chanel bag ni Kris, may nanalo na

MARAMI ang nainggit at natuwa sa nagwagi ng Chanel bag bilang bahagi ng#Christmaslovelovelove ni Kris Aquino. Mahigit isang linggo na ang nakararaan nang ipinost ni Kris sa kanyang social media accounts ang ukol sa #Christmaslovelovelove na namimigay ang TV host/aktres ng ilang kagamitan, tulad ng bags, bilang Christmas gifts o pasasalamat o ‘yung tinawag niyang 12 Days of Christmas Gifts. Madali lang …

Read More »

Loren Burgos, ipinagmamalaki ang pelikulang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa

IPINAHAYAG ni Loren Burgos ang kagalakan sa pagoging bahagi niya ng indie film na Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa. Si Loren ang leading lady ng lead actor dito na si Alfred Vargas. “Ang movie ay tungkol sa farmer na nagkunwari na marunong siyang magsulat at magbasa. Definitely ito ay makabuluhang pelikula na nag-e-emphasize sa value ng education. “So ang mga …

Read More »

EB Baes bagay na bagay maging amBAEssadors ng Heroes Barbers

SUNOD-SUNOD ang blessings na dumarating sa Boy Group na The Baes. After mapasama sa launching movie ng lolas na “Trip Ubusan: Lolas vs. Zombies” sina Bae Kenneth Medrano at Miggy Tolentino ay kasama ng iba pa nilang kagrupo na sina Kim Last, Jon Timmons, Tommy Penaflor at Joel Palencia. Kinuha silang endorser JND Group of Companies para sa bago nilang …

Read More »

Sylvia Sanchez, Matt Evans at iba pa, rarampa sa Beautederm Fashion Show For A Cause

MAGKAKAROON ng Beaute­Derm Fashion Show For A Cause na magaganap sa December 5, 2017, 6:00 pm, sa SMX Concention Center, SM Lanang Premiere sa Davao City. Ang makabuluhang event ay tatampukan nina Ms. Sylvia Sanchez at Matt Evans. Bene­ficiary ng naturang fashion show ang House of Hope Foundation for Kids with Cancer Incorporated. Ang natu­rang fashion show ay bahagi ng pagsi-share …

Read More »

P1.4-B tinapyas ng Senado sa drug war (Sa Tokhang fund)

SALUNGAT sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte  ang pagtapyas ng Senado ng P1.4 bilyon sa anti-illegal drugs campaign. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon, kahit hindi pa lumulusot sa bicameral conference ang 2018 national budget, ang pagtanggal sa pondo ng drug war ay mapanganib sa kampanya kontra droga. “Well obviously, the president needs to fund his pet …

Read More »

De Lima pinaka-‘unchristian’ — Roque

WALA nang mas hihigit pa sa pagiging “unchristian” ni Sen. Leila de Lima, ang ipinatupad ay “selective justice” sa oposisyon habang nagpapakalunod sa kanyang kahinaan bilang isang babae. Ito ang buwelta ni Presidential Spokesman Harry Roque kay De Lima nang tawagin siyang “unchristian” ng senadora kasunod ng pahayag na hindi kilala nang lubos ni Pope Francis ang detained lawmaker na …

Read More »