Friday , May 3 2024

Kapamilya leading ladies, leading men, love teams bumida sa “Just Love: ABS-CBN Christmas Special 2017″ sa Araneta Coliseum (Coco muling ipinamalas ang pagra-rap!)

MAS pinaganda at mas puno ng sorpresa ang Christmas special ng ABS-CBN ngayong 2017 na may theme na “Just Love” na inyong mapapanood sa magkasunod na airing sa 16 at 17 Disyembre (Sabado at Linggo) sa Kapamilya network.

Bumida sa nasabing taunang special ang halos lahat ng Kapamilya leading men at leading ladies na pinangunahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. Dumagundong ang buong Araneta Co­liseum na regular venue ng Christmas special nang lumabas sa stage sina Daniel Padilla, Enrique Gil, James Reid, ganoon rin ang partners o love team ng tatlo na sina Kathryn Bernardo, Liza Soberano at Nadine Lustre.

Patalbugan ng LED signage  o banner ang kanilang fans kahit iba’t ibang grupo sila. Malakas ang impact ni Richard Gutierrez nang kumanta ng famous foreign love song  at nagulat kami sa tindi ng response ng crowd sa komedyan­teng si Empoy Marquez na animo’y superstar habang nagpe-perform.

Malakas ang dating ng dance number nina Yassi Pressman at Nadine Lustre at ng grupo nina Jessy Mendiola at Arci Munoz. Swabeng-swabe ang performance ng bidang aktor at director-produ­cer ng “Ang Panday” na si Coco Martin na muling nag-rap sa kinantang original na awiting pamasko kasama ang cute na si Ricky Boy at Basilyo, Jef Tam, at Smugglaz na sina Zaito at Shernan at most applauded si Coco ng fans.

Nag-perform ang cast ng GandaRappiddo: The Revenger Squad na sina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach. Lahat ng mga nag-perfom na kabilang ang Kapamilyang singers ay majority Christmas songs ang kinanta at Air Supply hits sa nasabing event na as expected ay dinumog ng mga manonood.

Nagbigay ng magandang mensahe ang Presi­dente at CEO ng ABS-CBN na si Sir Carlo Katigbak ukol sa positibong hatid ng Christmas season sa bawat Kapamilya na hindi lang pagkakaisa kundi ang magmahalan, ‘ika nga dapat, “Just Love!”

HALIKANG ARJO AT SUE
SA HANGGANG SAAN
PINAG-UUSAPAN
AT PATOK SA NETIZENS

Lubos ang kilig na handog ng tambalan nina Arjo Atayde at Sue Ramirez sa Kapamilya ser­yeng “Hanggang Saan” at lalo pang uminit ang hapon sa matamis na kissing scene ng dalawa noong Lunes (Dec 11) na nagpatunay sa kanilang on-screen chemistry na puring-puri ng kanilang dumaraming fans.

Binansagang ArSue ng kanilang masusugid na tagahanga, hindi napigilan ng netizens ang pagkasabik sa unang pagdampi ng mga labi ng mga karak­ter ng dalawa na sina Paco at Anna hindi lang dahil sa nakakikilig na eksena, pati na rin sa kanilang mahusay na pagganap.

“Kahit ‘di ako nakapanood sa TV pero ‘yung puso ko, sabog na sabog! Si Arjo ba unang naka-kissing scene ni Sue na leading man? Sobrang kilig,” sabi ni @jazzie_tagud.

“Masaya ako na si Arjo ang ka-partner ni Sue sa show na ‘to. Pareho silang mahusay sa pag-arte. Mabubuti pa ang kanilang puso,” papuri naman ni @marydanguilan.

Sabi ng Twitter user na si @Raz_Elle, “Mabuti at nakukuha na nina Arjo at Sue ang kanilang well-deserved breaks. Matagal ko nang hinihintay mag-shine si Sue at alam naman natin kung gaano kahusay si Arjo.”

Kinakapitan nga ng mga manonood tuwing hapon ang kuwento ng pag-iibigan nina Paco (Arjo) at Anna (Sue) na unang nagkakilala nang mag-apply bilang drayber ang binata ng dalaga. Mula sa pagkakaibigan ay nauwi sa pagmamahalan ang kanilang samahan na naging tulay u­pang pagtagpuin ang landas ng kanilang mga pa­milya. Ngunit ang hindi nila alam, matagal nang konektado ang kanilang mga buhay dahil sa katotohanang ang ina ni Paco na si Sonya (Sylvia Sanchez) ang pumatay sa ama ni Anna.

Parehong nag-umpisa sa pagiging third wheel ng malalaking loveteams sina Arjo at Sue, kaya naman masaya sila ngayong nabigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng sarili nilang katambal sa isang serye.

“Kahit before po sa interviews ko, sinasabi ko talaga na gusto ko makatrabaho si Arjo. Thankful ako to GMO unit for giving me the chance na makasama siya sa show,” pasasalamat ni Sue sa team ng business unit head na si Ginny Monteagudo-Ocampo (GMO).

“Matagal ko na ring gustong makasama si Sue. Naniniwala ako sa pagtatrabaho kasama ang mga taong alam kong may matututuhan ako, at gano’n si Sue,” sabi naman ni Arjo.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng palabas, panibagong yugto ang haharapin nina Paco at Anna ngayong opisyal na silang magkasintahan. Ngunit ano nga ba ang kahihinatnan ng kanilang pag-ibig sa puntong  malaman nila ang sikreto ni Sonya?

Panoorin ang seryeng magpapakita kung hanggang saan ang pagmamahal ng isang ina para sa anak sa “Hanggang Saan,” tuwing hapon pagkatapos ng “Pusong Ligaw” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable 167). Para sa updates, mag-log on lang sa fb.com/hanggangsaan at i-follow ang @hanggangsaantv sa Twitter at @hanggangsaan sa Instagram.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *