Sunday , April 14 2024

Ate Vi, namaga ang paa (kaya ‘di nakadalo sa kasalang Ai Ai-Gerald)

GINAWANG isyu ang hindi pagdalo ni Cong. Vilma Santos sa kasal ni Ai Ai Delas Alas. Hindi totoong inisnab ni Ate Vi ang kasalang Ai Ai-Gerald Sibayan.

Namaga kasi ang paa niya at binilinan siya ng doctor na magpahinga. Mas delikado kasi ‘pag pinilit niyang ilakad ‘yun.

Naka-ready na pati ang gown na isusuot niya.

Nahihiya kasi ang Star For All Seasons dahil  nabanggit ni Ai Ai noong Thanksgiving party niya sa press na darating siya.

Tinawagan naman ni Ate Vi si Ai Ai at naiintindihan nito ang sitwasyon.

Magpo-foursome na lang sila na mag-date at mag-dinner kasama ang asawa niyang si Senator Ralph Recto.

Talbog!

JOROSS, BINRASO
SI PIOLO PARA MAG-CAMEO
SA DEADMA WALKING

BUONG ningning na sinabi ni Edgar Allan Guzman na mas magaling mag-ipit ng itlog si Jorross Gamboa kaysa kanya. Nagdamit babae kasi sila sa filmfest movie nila na Deadma Walking na showing sa Dec. 25.

Walang pahinga ang betlog nila sa shooting dahil nakaipit ito mula 9:00 a.m. to 2:00 a.m. kinabukasan.

May tip naman si Joross sa mga future beki na ‘pag nag-ipit ay sa gitna. Masakit kung mag-iipit na pakaliwa o pakanan.

Samantala, napanood namin ang trailer ng Deadma Walking. Malakas ang laban  nina EA at Joross at posibleng magkalaban pa sila sa Best Actor category ng Metro Manila Film Festival. ‘Yung ginawa na lang nila na pag-ipit, kumanta, at magpakabakla ay mahirap gawin, samantalang ‘yung ginagawa ng ibang actor na kalaban nila ay kaya rin nilang gawin.

Mga 30 malalaking artista ang guests at sumuporta sa pinagbibidahan nina Joross at EA sa pangunguna nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Iza Calzado, Eugene Domingo at iba pa.

May eksena rin na nag-I love you si Gerald.

Ayon sa director ng Deadma Walking na si Julius Alfonso, si Joross  ang love of my life ni Gerald.

Nagtawanan din sina Joross, Edgar, at Dimples Romana sa pagkukuwento na super entertain si Dimples dahil nagkasabay-sabay ang mga guest star. Inilabas na nila ang mga baon nilang pagkain para hindi mainip ang mga ito. Pinakamaagang dumating si Papa P.

Dagdag pa ni Joross, brinaso niya sina Papa P kasama si EA para suportahan sila sa Deadma Walking. Akala nga ng iba ay first directorial job na ito ni Joross dahil aligaga siya sa pag-iimbita na mag-guest sa movie nila.

Si Eugene naman ay nag-guest bilang suporta kay Direk Alfonso dahil magkaibigan sila at first directorial job nito.

Bongga!

EDGAR ALLAN, HANDANG
MAGPA-CHURVA KAY DEREK
(kung sakaling beki)

TINANONG si Edgar Allan Guzman kung kaninong aktor siya magpapa-churva kung sakaling totoong beki siya?

“Dapat yung malakas ang dating at matindi ang sex appeal. Si Derek Ramsay,” pakli niya.

“Tingnan niyo naman ang ginawa niyang movie with Anne Curtis, kahit kayo ‘di ba? Aminin niyo ‘yan.

“I admire him sa ganda ng katawan niya. Idol ko siya, gusto kong maging ganoon ang katawan ko,”bulalas pa niya.

Pak!

RICHARD, NAKABALIK NA;
EMPOY, PINAKAMALAKAS
NA TINILIAN (sa Christmas
special ng Dos)

MATAGUMPAY ang Christmas special ng ABS-CBN 2 na Just Love The ABS-CBN Christmas Special na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Paskong-Pasko ang mararamdaman sa mga OPM Christmas songs na kinanta ng mga Kapamilya singer.

Punompuno ang Araneta ng fans ng KathNiel, LizQuen, JaDineMayWard, KimXi, JoshLia, MarNigo atbp..

May mga artista na grabe ang sigawan ng fans kapag lumalabas at mayroon ding hindi na sinisigawan.

Nagulat kami dahil dumagundong ang sigaw sa Araneta nang lumabas si Richard Gutierrez. Nakabalik na talaga ang aktor mula nang maging Kapamilya at regular na napapanood sa La Luna Sangre.

Pero bakit ‘yung isang dating sikat na Kapuso actor na lumipat ay hindi pa rin tinilian ng fans?

Lumevel si Joshua sa lakas ng sigawan kina Enrique Gil at James Reid na magkakasabay sa entablado. Ang lakas din ng tilian kina Arjo Atayde, Matteo Guidecilli , Paulo Avelino, at Xian Lim. Halos mawasak naman ang Araneta sa lakas ng tiliaan nang lumabas na sina Jericho Rosales, Daniel Padilla, at Piolo Pascual.

Pero ang pinakamalakas ang sigawan at nakagugulat ay kay Empoy habang kinakanta ang themesong ng Kita Kita. Marahil ay maraming fans ang natutuwa sa kanya. Nakuha niya lahat ang fans ng KathNiel, LizQuen, JaDine atbp..

Marami rin ang bumilib kay Sharon Cuneta dahil pumayag ito na makasama sa production number kahit puwede siyang magsolo bilang isang megastar.

Panoorin ngayong weekend , Dec. 16 at 17 ang Christmas Special sa ABS-CBN 2.

TALBOG
ni Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Klinton Start

Klinton Start, magiging active ulit sa showbiz pag-graduate ng kolehiyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA KANYANG pag-aaral muna sa kolehiyo ang naging focus ngayon …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Kilalang direktor nag-resign dahil sa sobrang ‘komesiyal’ ng production

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAANO kaya ka-true ang tsismis na umano’y nag-resign ang isang kilalang direktor sa …

MarVen KrisshRome HyGab Marco Gallo-Heaven Peralejo, Krissha Viaje Jerome Ponce  Hyacinth Callado Gab Lagman

3 loveteam ng VAA pantapat sa mga kilalang tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY, may tatlong love teams ang Viva Artists Agency na ipanlalaban sa mga …

Sparkle artists

Sparkle artists magkakaroon pa ng shows sa LA at Japan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pang shows abroad this year ang aabangan sa Sparkle artists …

Jose Javier Reyes FDCP

Direk Jose Javier kayanin kaya ang pressure sa FDCP?

REALITY BITESni Dominic Rea MAPANINDAGAN kaya ni Direk Jose Javier Reyes ang pagkakatalaga sa kanya ngayon bilang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *