Tuesday , December 16 2025

TimeLine Layout

November, 2016

  • 22 November

    Jet lag sinisi ni Duterte sa pagliban sa gala dinner

    LIMA,Peru – PINUYAT ng jet lag si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi nakadalo sa gala dinner ng APEC leaders kamakalawa ng gabi, at sa retreat at ‘family photo’ nila sa pagtatapos ng summit kahapon. Sa press conference sa Melia Hotel kagabi bago bumalik sa bansa, sinabi ng Pangulo, inatasan niya si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., na maging kinatawan …

    Read More »
  • 22 November

    Digong sa ERC officials: Resign all

    LIMA, Peru – PINAGBIBITIW ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) makaraan ang report ng korupsiyon sa naturang ahensiya. Kasunod ito ng ulat na nagpakamatay ang chairman ng Bids and Awards Committee, Francisco Villa Jr., dahil sa sinasabing panggigi-pit ng kanyang superiors na lumagda sa maano-malyang kontrata. “I am demanding that they all resign. If …

    Read More »
  • 22 November

    Paghukay sa labi ni FM inalmahan sa Kamara

    INALMAHAN ni Deputy Speaker at Ilocos Norte Rep. Eric Singson ang hi-ling sa Supreme Court na ipahukay ang labi ni da-ting Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Para kay Singson, hindi katanggap-tanggap ang “motion for exhumation” ng grupo ni Albay Rep. Edcel Lagman at tiwala siyang hindi ito papaboran ng Korte Suprema. Banat ng mambabatas, kahit sino ay hindi …

    Read More »
  • 22 November

    Magtiyahin arestado sa P110-M shabu

    KINOMPIRMA ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang nakompiskang 22 kilo ng shabu, tinatayang P110 milyon ang halaga, sa Guadalupe, Makati City kahapon, hinihinalang may koneksiyon sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Arestado ang dalawang drug suspek na sina Maria Rosario Echaluce at Angelo Echaluce, magtiyahin at pawang mga residente sa Bilibiran, Binangonan, …

    Read More »
  • 22 November

    Neneng Gr. IV nabuwalan ng slide sa playground

    BACOLOD CITY – Patay ang isang Grade 4 pupil makaraan madaganan ng slide sa playground sa public plaza ng Hima-maylan City, Negros Occidental kamakalawa. Kinompirma ni Himamaylan City deputy chief of police, Insp. Reymundo Franco, nagkayayaan ang biktimang si Krisshia Mae Lipania, 10, grade 4 pupil sa Himamaylan City Central School, at mga kaibigan na maglaro sa playground sa liwasan …

    Read More »
  • 22 November

    Plastic bawal na sa Caloocan

    INIUTOS ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang mahigipit na pagpapatupad ng City Environmental Management Office ang Panlungsod na Ordinansa 0503 ng taon 2013, na ipinagbabawal ang paggamit ng plastic bags sa mga tindahan sa buong Caloocan Bilang pagtalima kay Malapitan, hinihikayat ni Engr. Gilberto Bernardo, hepe ng CEMO, iwasan gumamit ng plastic bags lalo ang maliliit na tindahan. Nabigyan na …

    Read More »
  • 22 November

    Walang krisis o hoarding ng sibuyas — Agriculture

    “WALANG katotohanan ang ibinibintang na pagtatago ng sibuyas sa mga  imbakan. Maayos ang mga magtatanim ng sibuyas ng Nueva Ecija. Walang katotohanan ang sinasabing krisis sa sibuyas.” Ito angreaksyon ni Serafin Santos, ang hepe ng Office of Provincial Agriculture hinggil sa napabalitang hording ng sibuyas sa pro-binsya. Ayon kay Santos, noong Agosto 2016 ay naubos na ang produkto ng mga …

    Read More »
  • 22 November

    Scarborough Shoal idedeklarang marine protected area

    LIMA, Peru – IDEDEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang marine protected area ang Scarborough o Panatag Shoal sa Zambales. Inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., ipinabatid ni Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang paglalabas ng isang executive order na magtatakda sa lagoon ng Scarborough Shoal bilang marine protected area alinsunod sa nakasaad sa Republic Act 7586 o …

    Read More »
  • 22 November

    Subpoena inisyu na ng DoJ vs De Lima

    PINAHAHARAP ng Department of Justice (DoJ) sa 2 Disyembre sa preliminary investigation ng five-man panel of prosecutors si Sen. Leila de Lima para sa isyu ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP). Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nailabas na ng panel ang subpoena kahapon at inihatid na sa tanggapan ni De Lima sa Senado. Haharapin ng mambabatas …

    Read More »
  • 22 November

    Computer technician tinodas sa harap ng pamilya

    PATAY ang isang 40-anyos computer technician makaraan pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang pa-milya ng dalawang hinihinalang mga miyembro ng vigilante group sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Agad binawian ng buhay si Jomari Gomo ng Phase 9, Package 9, Block 108, Excess Lot, Brgy. 176, Bagong Silang, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan. Ayon …

    Read More »