MATAPOS ang isang linggong paghihintay ng basketball fans sa buong mundo, sa wakas ay masasaksihan na ang pinaka-inaabangang trilogy ng salpukang Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers. Magpapang-abot ngayon, sa ganap na 9:00 am (Manila time) ang dalawang koponan para sa Game 1 ng 2016-2017 Finals sa bahay ng Warrior sa Oracle Arena sa Bay Area. Ito ang kauna-unahang pagkakataon …
Read More »TimeLine Layout
June, 2017
-
2 June
Akhuetie sabik nang makalaro para sa UP
NANG itarak ni Paul Desiderio ang nagliliyab na tres sa panalo ng UP kontra FEU sa Filoil Flying V Preseason Premier Cup kamakalawa, ‘di magkamayaw ang talon at nakabibingi ang sigaw ng bagong Fighting Maroon na si Bright Akhuetie mula sa kanyang kinauupan sa likod ng kanilang bench. Nanalo ang Fighting Maroons, 71-68 para ibigay sa Tamaraws ang kanilang unang …
Read More » -
2 June
Tamaraws dinungisan ng Maroons
GINUHITAN ng UP Fighting Maroons ang dati’y malinis na kartada ng FEU Tamaraws nang manggulat sila sa 71-68 panalo kamakalawa sa Filoil Flying V Pre-season Premier Cup sa San Juan City. Inakyat ng UP ang 10 puntos na pagkakatambak sa huling mga minuto upang itarak sa FEU ang una nitong talo sa torneo. Tinablahan ng Fighitng Maroons ang kanilang biktima …
Read More » -
1 June
6 timbog sa anti-drug ops sa Munti
ARESTADO ang anim katao sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Muntinlupa City, nitong Martes ng gabi. Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, ang mga nahuli na sina Carlo Jay Cabilangan, Albert Butulan, Mel Jason Fernandez, Felipe Berja, Allan Lorete at Eugene Eligarco, pawang mga residente ng Brgy. Putatan, Muntinlupa City. Sa ulat ng pulisya, nakatanggap …
Read More » -
1 June
3 persons of interest hawak na ng pulisya (Sa Quiapo twin blasts)
NASA kustodiya na ng pulisya ang tatlong “persons of interest” sa kambal na pagsabog sa Quiapo, Maynila nitong 6 Mayo. Ayon sa ulat, ang tatlong “persons of interest” ay kinuha sa Subic, Zambales at dinala sa Manila Police District. Ayon sa pulisya, ang tatlo ay nakita bago at nang maganap ang kambal na pagsabog, na ikinamatay ng dalawa katao at …
Read More » -
1 June
Ilocos 6 biktima ng political harassment (Dalaw ipinagbawal)
MATINDING ‘harassment’ at paglabag sa kanilang mga karapatan ang inirereklamo ng tinaguriang “Ilocos 6” na ipinakulong matapos i-contempt ni Rep. Rodolfo Fariñas, sa isinagawang pagdinig ng Committee on Good Government and Public Accountability sa House of Representatives (HOR) kamakalawa. Ayon sa abogado ng Ilocos 6 na si Atty. Toto Lazo, nabigo ang mga kamag-anak ng mga kliyente niyang sina provincial …
Read More » -
1 June
Emergency Skills Training Program sinimulan na ng TESDA
PORMAL nang sinimulan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang Emergency Skills Training Program (TESTP) na layuning makapagbigay ng kasanayan sa iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang ang nagsi-uwing Overseas Filipino Workers (OFWs). Napag-alaman mula kay TESDA Director General Guiling Mamondiong, nitong 1 Mayo nang simulan ng naturang ahensiya ang pagtanggap ng aplikasyon mula sa mga gustong mapabilang …
Read More » -
1 June
PRRC at San Juan City PDP-Laban, umayuda sa mga biktima ng Marawi siege
Patuloy ang pagtulong ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Pepeton” Goitia sa mga sinalanta ng kaguluhan sa Marawi City na nasa Iligan City sa tulong ng kanyang mga kasama sa pinamumunuang PDP Laban San Juan City Council. Personal na nagsadya si Goitia sa Iligan City at namahagi ng pagkain, tubig, gatas para sa mga sanggol, gamot …
Read More » -
1 June
NDFP peace panel diretso sa hoyo (Pagbalik sa PH)
NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipakukulong ang lahat ng bumubuo ng peace panel ng komunistang grupo pagbalik sa bansa mula sa The Netherlands. Nanawagan ang Pangulo sa mga leader ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP), na huwag magtangkang umuwi sa Filipinas dahil ipabibilanggo niya lahat kahit ang matatatanda na. “I am …
Read More » -
1 June
Duterte inuurot sa giyera vs China (Noynoy, Carpio sugo ng gulo)
GUSTONG isoga sa giyera si Pangulong Rodrigo Duterte gayong sina dating Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III at Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang pumayag na dumami ang mga ipinatayong estruktura ng China sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, panay ang daldal ni Carpio laban sa kanyang hindi paggigiit sa arbitral tribunal ruling na pabor sa …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com