Tuesday , December 16 2025

TimeLine Layout

June, 2017

  • 6 June

    Military junta ‘maluwag’ na ibibigay ni Digong (Kudeta ‘di kailangan)

    NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa puwesto at ipasa ang po-der sa ikinasang “military junta” sakaling madesmaya ang mga sundalo sa kanyang liderato. “Hindi na kailangan kayong mag-coup d’état-coup d’état. Dagdagan ko lang ng opisyal ‘yung iba, e ‘di kayo na, inyo na. Kompleto na,” sabi ng Pangulo sa pagbisita sa mga sundalo sa Brigadier General Benito N. …

    Read More »
  • 6 June

    Security lapses sa Resorts World iniimbestigahan ng PNP-SOSIA

    SINIMULAN na ng Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang imbestigasyon kaugnay sa pag-atake sa Resorts World Manila, na ikinamatay ng 38 katao. Nakipagpulong ang mga opisyal ng PNP-SOSIA sa operations mana-ger at security personnel ng NC Lanting Security Specialist Agency, ang ahensiyang nagbibigay ng seguridad sa casino hotel. Iniutos ng PNP sa security agency na …

    Read More »
  • 6 June

    Alok ni Duterte: P10-M sa ulo ni Hapilon (Tig-P5-M sa Maute bros)

    NAG-ALOK ng P10 milyon reward si Pangulong Rodrigo Duterte para sa ‘ulo’ ni Isnilon Hapilon, emir ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Filipinas. Bukod kay Hapilon, tig-P5 milyon patong sa ulo ang itinakda ni Pangulong Duterte sa magkapatid na Abdullah at Omar Maute. Nauna rito’y naglaan ang Amerika ng US$5 milyon reward para sa ulo ni Hapilon, …

    Read More »
  • 6 June

    Mosque at ospital bobombahin (Kapag pinagkutaan ng terorista)

    HINDI mangingimi ang tropa ng pamahalaan na bombahin kahit ang Mosque kapag doon nagtago ang hinahabol na mga terorista sa Marawi City. Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla sa Mindanao Hour press brifieng sa Palasyo kahapon. “There are provisions, may exception ‘yun maski sinong taong armado na nag-harbor sa isang lugar maging …

    Read More »
  • 6 June

    Ulo ng Maute, ISIS ‘hiniling’ ni Duterte

    PATAYIN na ninyo lahat ng hawak ninyo hindi ako makikipag-usap sa inyo. Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasabay ng pagdedeklara na hindi na siya makikipag-negosasyon sa Maute/Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) dahil kamatayan ang katapat ng terorismong inilunsad nila sa Marawi City. “I will not negotiate. Wala akong pakialam kung anong gawain ninyo ngayon diyan. You do …

    Read More »
  • 6 June

    Kulelat ba ang intel ni Defense USec Ric David Dayunyor?

    ILANG panahon rin nating na-missed ang pangalan ni ex-Immigration chief, Ric David Jr., sa pahayagan. Undersecretary na pala siya sa Defense Department, anyway, he’s really from military, ‘di ba?! Ang hindi natin maintindihan, batay sa nasaba nating balita sa isang pahayagan, parang kulelat ang reliability ng ‘Intelligence’ ni Usec. David. Ayon sa Indonesian Defense Minister, 1,200 na raw ang ISIS …

    Read More »
  • 6 June

    Daig pa ang droga ng pagkalulong sa sugal sa casino

    Nakita natin sa kaso ni Resorts World tragedy, gunman Jessie Javier Carlos na hindi kailangang bangag sa ilegal na droga para maganap ang isang trahedya na hindi na malilimot ng sambayanan at kahit ng mga dayuhan. Wala umanong masamang bisyo, using different kind of substances gaya ng alak at ilegal na droga si Carlos, pero grabe ang pagkalulong niya sa …

    Read More »
  • 5 June

    Pinoy victims sa London attacks ‘di pa sigurado

    INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA), pa-tuloy pa nilang kinokompirma ang kalagayan ng mga Filipino sa England, makaraan sagasaan ng isang van ang mga tao sa London Bridge, at pinagsasaksak ang mga tao sa Borough Market area ng bars at restaurants. “Our Embassy is closely monitoring the situation and is in touch with the Filipino community in the area …

    Read More »
  • 5 June

    P250-M shabu kompiskado sa Taiwanese

    UMABOT sa 50 kilo ng hinihinalang shabu, P250 milyon ang halaga, ang nakompiska sa isang Taiwanese national makaraan arestohin sa isang hotel sa Brgy. Baclaran, Parañaque City nitong Sabado. Ayon sa ulat, ang shabu ay natagpuang nasa tatlong styrofoam boxes at napapatungan ng mga tuyong isda. Ang suspek na inaresto sa Red Planet Hotel Aseana ay kinilalang si Chen Teho …

    Read More »
  • 5 June

    Civilian death toll sa Marawi umakyat sa 30

    MARAMI pang sibilyan ang naiulat na namatay sa patuloy na bakbakan ng militar at Maute local terror group sa Marawi City, ayon sa ulat ng Malacañang, kahapon. Sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella, ang bilang ng napatay na sibilyan ay umabot na sa 30 dakong 11:00 pm nitong Sabado. Samantala, 1,271 si-bilyan ang kabuuang nasagip mula sa lungsod. Sinabi ni …

    Read More »