Thursday , December 18 2025

Classic Layout

Dead Road Accident

3 bahay, 11 sasakyan inararo ng truck4 patay, 8 sugatan

BINAWIAN ng buhay ang apat katao habang sugatan ang walong iba pa nang ararohin ng isang cargo truck ang 11 sasakyan at tatlong bahay sa Maharlika Highway, sa bahagi ng Purok Maulawin, Brgy. Isabang, lungsod ng Lucena, lalawigan ng Quezon, nitong Sabado ng gabi, 11 Oktubre. Kinilala ng pulisya ang tatlong patay na biktimang sina William Lorilla, 34 anyos, truck …

Read More »
DepEd Students

F2F classes sa mga public school 2 araw na suspendido – DepEd NCR

DALAWANG ARAW na ipinatitigil ng Department of Education-National Capital Region (DepEd NCR) ang face-to-face classes mula Kinder hanggang Grade 12 sa lahat ng pampublikong paaralan sa Metro Manila mula Lunes hanggang Martes, 13-14 Oktubre, dahil sa pagtaas ng bilang ng may mga estudyante at mga school staff na may malatrangkasong sakit. Ayon sa DepEd, magsasagawa ang mga paaralan ng Alternative …

Read More »
Black Cigarette Tuklaw

Sa Sampaloc, Maynila  
Humithit ng ‘tuklaw’ 17-anyos, kuya kinumbulsiyon

DALAWANG lalaking magkapatid ang bigla na lamang tumumba at kinumbulsiyon habang tumatawid sa isang kalye sa Sampaloc, lungsod ng Maynila, nitong Sabado ng hapon, 11 Oktubre, matapos umanong humithit ng “black cigarette” o “tuklaw.” Sa kuha ng CCTV, makikita ang isa sa mga biktima na patawid sa kalsada nang bigla na lamang nanginig, tumirik ang mata, saka natumba. Ilang saglit …

Read More »
Dragon Lady Amor Virata

DDS kabado kay Boying Remulla?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata DELIKADO raw ang pagkakaupo ni former Justice Secretary Boying Remulla bilang kinatawan ng Ombudsman. Total daw namemeligro ang katayuan ni VP Sara Duterte sa mga kasong isinasangkot sa kanya kaya ganoon na lamang umano ang pagpupursigi ng  mga DDS na patalsikin si Pangulong BBM para mag-resign. Sa October 21, muling nagtatawag ang kampo ng …

Read More »
QCPD Quezon City

Bombay ninakawan ng halagang P2-M cash, valuables, ng 3 kawatan

MAHIGIT sa P2 milyong halaga ng cash, at iba pang mahahalagang ari-arian ang nakulimbat ng tatlong hindi kilalang mga kawatan na nanloob sa tahanan ng 45-anyos Indian national sa Quezon City noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktima na si alyas Singh, 45, may asawa, Indian national, businessman, residente sa Haydin St., North Olympus Subdivision, Brgy. Kaligayahan, Quezon City. Sa …

Read More »
Marikina

Klase sa Marikina suspendido dahil sa flu at flu-like illnesses

WALANG pasok sa lahat ng antas sa private at public schools sa Marikina City dahil sa pagtaas ng mga kaso ng flu at flu-like illnesses base na rin sa rekomendasyon ng City Health Office. Ayon kay Marikina City Mayor Maan Teodoro, magkakaroon ng dalawang araw na Health Break sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pampribadong paaralan simula Lunes, …

Read More »
Krystall Herbal Oil

Nakapamimilipit na sakit ng tiyan at balakang pinayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Ako po si Josefina Marquez, isang senior citizen, retiradong empleyado ng isang private company, at kasalukuyang naninirahan sa Quezon City.         Nais ko lang pong i-share ang naranasan kong grabeng pananakit ng aking tiyan at balakang kamakalawa. Madaling araw ko po ito naranasan.         Ang ginawa ko …

Read More »
Bomb Threat Scare

Sa gitna ng ‘bomb scare’ sa mga paaralan sas Central Luzon, Seguridad hinigpitan

HINIGPITAN ng PRO3-PNP ang seguridad matapos makatanggap ng mga banta ng pambobomba ang ilang paaralan sa Central Luzon—na lahat ay kinumpirma ng mga maling alarma ng EOD at K9 teams. Tiniyak sa publiko ni P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr., regional director ng ​​PRO3, na walang nakitang tunay na banta, at nagbabala na ang pagpapakalat ng false bomb information ay isang …

Read More »
Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Regional target laglag sa drug sting

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga at nakatala bilang regional target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang buybust operation sa bayan ng Lubao, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado ng hapon, 11 Oktubre. Inaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)—Pampanga Provincial Office ang suspek na kinilalang si alyas Job, …

Read More »
Riding-in-tandem

Riding-in tandem nang-agaw ng motorsiklo; 1 tiklo, kasabwat tinutugis

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki habang tinutugis ang kaniyang kasabwat na nakatakas na sangkot sa kasong carnapping sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 11 Oktubre. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Reyson Bagain, hepe ng San Jose del Monte CPS, kinilala ang biktimang si alyas JJ, 33 anyos, isang delivery rider at …

Read More »