Thursday , June 4 2026
Nadine Samonte

Nadine from D& D Queen to Health and Wellness advocate

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HINDI ikinahiya ni Nadine Samonte nang magbenta siya noon online ng danggit at dilis. Katwiran niya, kailangang maging madiskarte at hindi ikahiya ang mga ibinebenta niya dahil masarap.

Kaya naman dahil sa negosyong ito, binansagan siya ng kanyang asawang si Ryan Chua na D&D queen ng south, o Danggit and Dilis.

Naibahagi ni Nadine ma minsang dumating ang isang hindi magandang balita, hindi siya magkakaroon ng anak. At dito ay natanong niya ang sarili. “May problema ba sa akin? May kailangan ba akong ayusin sa sarili ko?”

At dito na nag-umpisa na dapat niyang alagaan ang sarili. 

“Pero noong biniyayaan ako ni Lord ng tatlong napakagagandang mga anak, doon ako nakapag-isip,kailangang alagaan ko ang sarili ko hindi lang para sa akin, kundi para rin sa kanila, para sa pamilya ko,” kuwento ni Nadine sa paglulunsad ng kanyang bagong negosyo, ang Anaiah noong Miyerkoles sa Incanta Cave Bar, QC.

Nakapagbenta rin ng beauty products si Nadine tulad ng lipstick, liptint. 

“Pero parang hindi pa rin iyon para sa akin, I don’t know why? Basta nararamdaman ko na hindi pa rin iyon para sa akin. Nagbenta ako ng danggit, tuyo na na-bash pa ako, pero ang sa akin, tuwang-tuwa ako dahil kahit pandemic kumikita ako and para sa pamilya ko iyon.

“After that, na-realize ko noong may nagsabi sa akin na parang hindi bagay na magbenta ako ng tuyo. Sabi ko, ‘maayos naman ang ginagawa ko, anong problema roon? 

“From there, nasabi ko it’s time na bumalik ako sa nakaraan ko. Na ‘yung sarili ko, ‘yung wellness ko.

“From there nag-isip ako, ano ba ang kailangan kong gawin? After kong maging artista, after kong maging nanay, what’s next? Doon ko nakita ang pangalang Anaiah. Na pagkakita ko kinutuban ako, kinilabutan ako kasi nakalagay doon, ‘answered prayer of God.’ 

“So rito na nag-start iyon. From there naisip ko na I want something na maise-share ko sa mga tao na you really have to take care of your health no matter what. Magsikap ka, may pamilya ka, you have to take care of your health. Kaya nga sabi ‘di ba health is wealth. 

“So from there ‘yung ninang ko may kakilalang manufacturer, nag-usap-usap na kami,” mahabang kuwento pa ni Nadine.

At noong Miyerkole ipinakilala na ng aktres ang kanyang bagong negoyo, ang Anaiah na sumasalamin sa kanyang personal na paglalakbay bilang babae, ina, at indibidwal na patuloy na lumalago.

Higit pa sa negosyo, ang Anaiah ay isang representasyon ng kanyang pananampalataya, katatagan, at pagmamahal sa sarili. Layunin ng brand na magbigay-inspirasyon sa iba na yakapin ang kanilang tunay na pagkatao at hanapin ang lakas mula sa kanilang mga pinagdaanan.

“Anaiah is very close to my heart. It represents who I am today and everything I’ve gone through to get here,” ani Nadine. “Gusto kong makalikha ng isang bagay na hindi lang para sa akin, kundi para rin sa mga taong nais ma-inspire at mapalakas ang kanilang loob.”

Nag-aalok ang Anaiah ng mga piling produkto na idinisenyo para itaguyod ang kompiyansa at kabuuang kapakanan ng isang tao. Pinagsasama nito ang estilo at layunin—isang modernong pananaw sa kagandahan na may lalim at saysay.

Ang paglulunsad ng Anaiah ay panibagong yugto sa buhay ni Nadine na patuloy na nagpapalawak ng kanyang impluwensiya sa labas ng showbiz. Sa pamamagitan ng brand na ito, nais niyang makabuo ng komunidad na nagdiriwang ng pagiging totoo sa sarili at positibong pagbabago.

Dalawang taong Idinevelop ang Anaiah at aminado si Nadine na hands-on siya sa proseso upang matiyak ang kalidad at safety ng bawat produkto.

Sa kasalukuyan, may limang variants ng food supplements and drinks ang kanyang brand, at certified FDA-approved ang mga ito.

Sa kabila ng pinagdaanan, masaya at proud si Nadine na natupad na ang matagal niyang pangarap sa negosyo at available na online.

Ukol naman sa anak na naaksidente kamakailan, emosyonal na ibinahagi ng aktres ang pinagdaanang takot nang ma-ospital ang kanyang anak na si Harmony. Si Harmony iyong naaksidente kamakailan.

“She fell twice sa Monkey bars. Unang fall niya, sa face, nagka-bruise siya, dinala sa clinic, tapos she went back again. So, she fell (again), ang bumagsak, ‘yung head na niya,” anang aktres kaya isinugod na sa ospital ang anak matapos makaranas ng pagsusuka, pamumutla, pagkahilo, at pananakit ng ulo.

“Sumuka siya nang sumuka, she’s so pale and dizzy, she’s having headaches na. Kailangan na siyang ma-dextrose kasi baka ma-dehydrate siya,” lahad pa ni Nadine.

Idinagdag pa ni Nadine na laking pasasalamat niya nang lumabas na maayos ang resulta ng CT scan at iba pang tests ng anak.

“She’s now okay, thank God. The good part naman is at least, her CT scan and mga tests sa kanya were all fine,” sabi pa na oobserbahan pa rin ang bata sa loob ng isa hanggang dalawang linggo dahil sa head trauma.

Bagamat may mga pangyayaring ganito, nagpapasalamat pa rin si Nadine sa mga blessing na dumarating sa buhay nila.

“Actually, biggest blessing sa akin talaga is that I’m okay. My family is okay.

“We are happy, we are complete, and we are healthy. That’s the most important thing sa akin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …