SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
“CHECK the rules for the destination. Check the visa requirements. Check passport validity requirements. Check any advice against travel.” Ilan ito sa ibinigay na tips ni Ms Sharon Ayley, CEO and Secretary of the International Border Management and Technologies Association (IBMATA) at Commercial Director of FORTINUS Global Limited para maiwasan ang tulad ng nangyari sa aktor na si Enchong Dee kamakailan na hindi pinayagang makasakay ng ground staff ng Air France mula Bangkok patungong Madrid.
Nasa bansa si Ayley para sa teknolohiyang pwedeng magamit para mapigil ang lumalalang human trafficking.
Bagamat nilinaw ni Ayley na hindi siya makapagbibigay ng malinaw na opinyon ukol sa nangyari kay Enchong unang-una hindi malinaw kung ano ba talaga ang nangyari sa aktor.
“And it sounds to me that this wasn’t an issue with his visa or him entering the country. This is a carrier issue. So this sounds like, it’s an airline issue rather than a border issue.
“So I can’t speak on behalf of the aviation.
“But what I can tell you is that carriers have relationships and commitments to border agencies.
“So it’s the carrier who accepts the liability. So if they knowingly allow someone to board the flight without the correct travel documentation, then it’s the carrier that will hold that liability.
“So I don’t know the specifics of the case you’re talking about. I can’t tell you what happened and why it went wrong. It sounds very much to me like there was an issue with… collecting the data by the airline, whether the passenger was responsible for that issue or the airline, I don’t know. I couldn’t comment.”
Ibinahagi ni Enchong sa social media ang kanyang pagkabigo laban sa Air France, na idinetalye kung ano ang nangyari at sinabing isang serye ng nakababahalang karanasan sa kanyang sa Europa.
Sa isang post, sinabi ni Enching na una siyang pinigilan na makapasok sa Madrid dahil sa isyu tungkol sa kanyang visa. “They offloaded my ticket to enter Madrid because my visa is France.
“Threatened to revoke my Shengen Visa, mind you these are not immigration officer but rather ground staff of air france in Bangkok,” wika pa ng aktor.
Kaya ang tanging nagawa na lamang ni Enchong ay bumili ng panibagong ticket.
“So I bought a new ticket to land straight to London then went to Paris to follow the rules still flying with Air France,” pagbabahagi ni Enchong na binibigyan niya ang airline ng benefit of the doubt.
Sinabi pa ni Enchong na nagkaron siya problema sa kanyang return flight.
“I got my boarding pass from Madrid to Bangkok. When I got to the airport, I found out they blocked my ticket,” aniya.
Dahil sa wala ng choice, nag-book ang aktor ng isa pang flight sa ibang carrier na na-enjoy naman niya dahil sa masarap na pagkain at comfort.
“So what to do? I bought a new ticket with @etihad instead right then and there.
“I honestly enjoyed the food and comfortability of any Middle Eastern airline.”
Dahil dito hiningan na lamang namin ng tips si Ms Ayley para maiwasan ang ganitong problema.
“I would always recommend that you check the rules for the destination that you are travelling to. Check the visa requirements, check passport validity requirements, check any advice against travel, any inoculation advice.
“Do your research, make sure that you are compliant before you arrive at the airport and that you have all the documentation that you require.
“Even before booking your flight, make sure that you qualify for entry into that country before you book your flight and make sure that you have all of your documentation before you arrive at the airport to reduce the chance that anything might disrupt.”
Sa kabilang banda, nasa bansa si Ms Ayley para makikipagpulong kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Anthony Viado para harapin ang mga problemang kinakaharap ng bansa hinggil sa human at child trafficking at iba pang usapin sa seguridad.
“The biggest factor and the most challenging factor is on having multiple ports of entry which does put additional pressure on our border agency,” wika ni Ayley sa Round Table Discussion noong Martes.
“The best way of managing that is by standardizing solutions across your border,” dagdag pa.
Sinabi ni Ayley na mahalagang mapalakas ang pagbabantay sa mga border sa pamamagitan ng angkop na teknolohiya para mapigilan ang lumalalang kaso ng human trafficking.
Bilang isang nangungunang non-profit na organisasyon, pinagsasama-sama ng IBMATA ang pamahalaan, stakeholder ng industriya, at mga eksperto mula sa buong mundo upang magbahagi ng mga karanasan sa totoong mundo, tugunan ang mga hamon sa hangganan, at makipagpalitan ng pinakamahuhusay na kagawian.
Naniniwala ang non-profit organization na malaki ang magiging papel ng makabagong teknolohiya sa paglaban sa human trafficking sa bansa.
Binigyang diin ni Ayley na kailangang paigtingin ang seguridad sa mga pantalan at paliparan sa pamamagitan ng mas maayos na sistema, na makatutulong sa pagpapalas ng turismo sa bansa.
Bagamat maayos ang kasalukuyang hakbang ng pamahalaan sa border security, patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga ospisyal ng gobyerno upang higit itong mapahusay pa.
Aniya, mahalaga ang paggamit ng mga teknolohiyang tulad ng biometrics, e-gates, at iba pang digital information systems kasabay ng pagsasanay sa mga tauhan ng pamahalaan lalo na ang mga immigration officers.
May 20 taon nang tumutulong ang IBMATA sa iba’t ibang bansa uapng palakasin ang kakayahan sa border control laban sa human trafficking at smuggling na nakaaapekto sa ekonomiya.
Nauna nang tinukoy ng International Organization for Migration (IOM) ang Pilipinas bilang pangalawang nangungunang bansang pinanggagalingan ng mga biktima ng trafficking, na may 13,313 Gilipino na naitala sa mahigit 125,000 biktima na kinilala sa buong mundo.
“The key is risk-based, data integration, bringing together travel history, behavioral indicators, and watch lists in real time,” aniya, at idinagdag na ang advanced analytics at artificial intelligence (AI) ay makatutulong sa pag-flag ng mga hindi pangkaraniwang pattern ng paglalakbay.
Iginiit din niya na ang mga biometric identification system ay makatutulong para matiyak na ang mga manlalakbay ay lehitimo at ang mga pagkakakilanlan ay tunay.
Ang mga tool na ito ay maaaring kumilos bilang isang proteksiyon na hadlang sa pamamagitan ng pag-flag ng mga potensiyal na biktima at trafficker bago mangyari ang pagsasamantala.
Gayunman, binigyang-diin ni Ayley na hindi malulutas ng teknolohiya lamang ang problema, na sinasabi na ang matibay na pakikipagtulungan ng mga ahensya ay nananatiling pinakamahalagang bahagi sa paglaban sa trafficking.
“Fundamentally, it is inter-agency cooperation that is most important. Technology works best when combined with well-trained officers who have the skills and instinct to identify suspicious behavior and intervene when necessary,” dagdag pa ni Ayley.
Sinabi rin ni Ayley na ang IBMATA ay aktibong nakikipagtulungan sa mga global at rehiyonal na kasosyo, kabilang ang IOM upang bumuo ng mga estratehiya at magsagawa ng mga workshop na naglalayong labanan ang trafficking at palakasin ang mga sistema ng seguridad sa hangganan.
Higit pa sa teknolohiya, iginiit ng IBMATA ang kahalagahan ng kamalayan at edukasyon ng publiko bilang unang linya ng depensa, na ang mga pamilya at komunidad ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagkilala sa mga palatandaan ng maagang babala at pagpigil sa mga bata na maging biktima ng mga trafficker.
At dahil sa pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin dahil sa labanan sa Gitnang Silangan, ang mga pamilya ay nagiging mas mahina sa trafficking.
“I think that’s where it begins — making sure people are aware of how traffickers operate and how they target vulnerable individuals,” sambit pa ni Ayley, at sinabing ang mga magulang at komunidad ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpigil na mangyari ito.
Babalik si Ayley sa Asia-Pacific region para sa IBMATA’s upcoming event bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan nito sa mga regional partner.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com