Thursday , June 4 2026
Jos Garcia

Pinay International singer simple ang celebration ng kaarawan 

MATABIL
ni John Fontanilla

MAS piniling hindi magkaroon ng malaking selebrasyin ang Pinay/international singer, Jos Garcia dahil sa hindi magagandang nangyayari sa mundo.

Tsika ni Jos, “Nag-celebrate po ako ng simpleng kaarawan dito sa Japan, nagluto lang ako sa bahay, then nagdasal lang po.

“Mas pinili ko na ‘wag na lang mag-celebrate ng birthday, dahil na rin sa dami ng hindi magagandang nangyayari sa mundo.

“Mas gusto ko na lang tumulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong, lalo na sa mga panahon ng krisis, katulad ngayon,” pahayag ng singer na nakabase sa Japan.

Dagdag pa nito, “Pero kahit na simple lang ang naging selebrasyon ko ng birthday ko, masaya naman ako na nakasama ko ang ilan sa aking malalapit na kaibigan sa birthday ko.”

Wish  ni Ms. Jos sa kanyang kaarawan na magkasundo-sundo ang mga leader ng bawat bansa, para maiwasan ang giyera at conflict sa isa’t isa.

Wish din nito na maresolba na ang krisis sa buong mundo. At para naman sa kanyang sarili ay isang malusog na pangangatawan at magandang takbo ng singing career.

Sana po ay magkaroon ng pagkakasundo ang buong mundo. Mawala na ang war at magkaroon ng pagkakaisa.

“Tapoa bumalik na at maging normal na ang lahat para maging maayos ang ekonomiya.

“Siyempre po wish ko rin na sana lagi akong healthy at maging maganda ang takbo ng aking singing career,” pagtatapos ni Josh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …