Saturday , December 20 2025

Classic Layout

Blind Item, Mystery Man, male star

Dating sikat na matinee idol inaayawan na sa tinatambayang watering holes

ni Ed de Leon BALIK sa kanyang style noong hindi pa siya sikat, ang isang dating sikat na matinee idol na nangarap ding maging isang international star. Dahil wala naman talagang nangyari sa mga inaasahan niyang international projects at collaboration sa mga international stars na ipinagyayabang niya noong araw. Aba madalas na naman siyang makita sa mga watering holes na istambayan niya …

Read More »
Movies Cinema

Dalawang pelikulang ‘dilawan’ na-pull-out na sa mga sinehan

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN namin, parehong wala na sa mga sinehan sa isang mall malapit sa amin ang dalawang pelikulang “dilawan.” Noon pa namang una, sinasabing baka maalis sila sa mga sinehan dahil sa kakulangan ng nanonood. Iyong isang pelikula, hindi nga tumagal ng isang linggo sa sinehan, pull out agad. Itatanong ninyo kung bakit nangyayari ang ganyan? Una, …

Read More »
Vhong Navarro

Vhong Navarro kinatigan ng SC, inabsuwelto sa kasong rape

HATAWANni Ed de Leon NASAPAWAN ang pag-iyak pa ni Hope, alyas Liza Soberano sa interview sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda nang ilabas ng Third Division ng Korte Suprema ang desisyong binalewala na ang kasong rape laban kay Vhong Navarro na isinampa ni Deniece Cornejo. Nasayang ang pag-iyak ni Hope, nasapawan na siya. Sa desisyon ng Korte Suprema na isinulat ni Associate Justice Henry Inting, …

Read More »
Gabby Ramos Jhassy Busran John Heindrick

Direk Gabby Ramos tiniyak patok na chemistry nina Jhassy at John sa Home I Found In You

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPANAYAM namin ang very accommodating na direktor ng Home I Found In You na si Direk Gabby Ramos at inusisa namin ang kanilang pelikula na ang premiere night ay sa March 25, 6pm, sa Cinema 1 ng Trinoma Mall. Panimulang esplika ni Direk Gabby, “Ang Home I Found In You ay isang RomCom, isang Romantic …

Read More »
Dead body, feet

Bangkay itinapon sa Bulacan
LOLA PINATAY NG SARILING ANAK, KRIMEN NASAKSIHAN NG APO

NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lola na nakasilid sa isang storage box at itinapon sa isang liblib na lugar sa Brgy. Matictic, sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 11 Marso. Sa paunang imbestigasyon, pinalo sa ulo ang biktima na kinilalang si Maria Elena Villastique, 67 anyos, ng kanyang anak na si Raymond, 28 …

Read More »

Lumiliit na ang mundo para kay Arnie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INIIMBESTIGAHAN si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves matapos iturong utak umano sa brutal na pag-atake kay Gov. Ruel Degamo na ikinasawi ng gobernador at ng walong iba pa nitong 4 Marso. Bukod pa ito sa kahaharaping kaso ng kongresista kaugnay ng mga baril, pampasabog, at bala na nasamsam mula sa mga bahay na …

Read More »

Nasaan na ang magagaling  na mambabatas?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi sinasadya o walang may kagustuhan sa nangyaring pagtatapon ng 800,000 litro ng industrial fuel oil sa karagatan ng Oriental Mindoro, nararapat na mayroon nang managot – hindi lang pagmumulta o pagbabayad sa malawakang kasiraan na idinulot nito, dapat lang mayroon maipasok sa kahon de rehas. Nasaan na ang magagaling nating mga mambabatas sa Mababang …

Read More »
phone text cp

Concert pinasok ng 6 dorobo
31 PARTY-GOERS SINIKWATAN NG CELLPHONE

SUNOD-SUNOD na inaresto ng mga awtoridad ang anim na indibidwal kaugnay ng insidente ng pagnanakaw sa 31 kabataan na dumalo sa concert sa loob ng isang paaralan sa bayan ng San Miguel, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 12 Marso. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Romualdo Andres, hepe ng San Miguel MPS, kay P/Col. Relly Arnedo, …

Read More »
SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang 16 ginto para makopo ang ikatlong puwesto sa overall medal standings sa Asian Open Schools Invitational Aquatics Championships kamakailan sa Bangkok, Thailand. Pinangunahan ng 5-anyos at tinaguriang bagong ‘swimming wonder’ ng bansa na si Pia Severina Magat ang ratsada ng 32-man Philippine squad sa napagwagihang …

Read More »
Anjo Yllana Jomari Yllana Abby Viduya

Anjo hindi dadalo sa kasal nina Jomari at Abby

“MAG-USAP muna kami.” Ito ang isinagot ni Anjo Yllana nang matanong namin ito kung dadalo ba siya sa kasal ng kapatid na si Jomari kay Abby Viduya. Pero bago ito, inurirat muna namin ang aktor nang makausap sa media conference ng bagong show nila nina Kim Molina, Jerald Napoles, at Yayo Aguila, ang Team A: Happy Fam, Happy Life sa TV 5 kung bakit hindi siya kasama sa ginawang pamamanhikan ni Jomari sa …

Read More »