Thursday , June 4 2026
Piolo Pascual Mallari

Piolo hataw sa shooting ng Mallari

HARD TALK
ni Pilar Mateo

IN full swing na ang paghataw ng shoot ng comeback movie ni Piolo Pascual, ang Mallari na ipinrodyus ng Mentorque ni Bryan Diamante.

Kaya tuwang-tuwa ang mga taga-Lipa, Batangas sa pusod ng Lumbang dahil doon pala madalas makita ang aktor at ang buong produksiyon ng super laking pelikula nito.

Kaabang-abang na ang mga eksenang sinalangan dito ni Piolo.

Nagpasilip na si Bryan ng ilang eksena ng pelikula. Sa kanyang cell phone.

Marami nga ang umaasa na sana ay makasama ito sa mga pelikulang tatambad sa mga manonood sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre 2023.

Gusto pa ring maging sikreto muna ni Bryan ang naglalakihang artistang sasalang sa pelikula.

Dahil isang pasabog na media launch ang inihahanda nito, sampu ng kanyang mga tauhan.

Naipakilala na ni Bryan sa unang bugso ng presscon niya kung sino si Mallari. Ang istorya ng paring serial killer. In the time of war. 

Inspired sa buhay ng unang na-dokumentong “serial killer” priest na si Juan Severino Mallari. At unang pagganap din ni Piolo sa isang horror film.

Malaking hamon ang pelikula sa direktor na si Derick Cabrido. Madugo. Dahil tatlong katauhan mula  sa iba’t ibang panahon ang gagampanan ni Piolo.

1801. 1942. 2023. 

Intended ito sa darating na Metro Manila Film Festival sa Disyembre. 

Nawa! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …