Friday , December 19 2025

Duque inabsuwelto ni Duterte (Ebidensiya ng Senado vs Duque bubusisiin ni Duterte)

HINDI pa man nasasampahan ng kaso sa alinmang hukuman ay inabsuwelto na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa isyu ng korupsiyon sa Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth). Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng rekomendasyon ng Senate Committee of the Whole na sampahan ng kasong kriminal si Duque at iba pang opisyal ng PhilHealth kaugnay …

Read More »

Term-sharing nina Cayetano at Velasco ‘bomalabs’  

AYON kay House Speaker Alan Peter Cayetano ‘malabo’ nang matuloy ang kasunduan nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na paghatian ang liderato sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.   “We don’t really know what will happen in the future,” ani Cayetano sa interbyu sa radio DZBB.   Paliwanag ni Cayetano kung sakaking matuloy ang palitan, siya at isang chairman ng …

Read More »

Palasyo tiwala sa DENR

TIWALA ang Malacañang na may kakayahan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipagtanggol ang kontrobersiyal na P389-milyong Manila Bay Rehabilitation Project kapag umakyat sa Korte Suprema ang usapin.   “Kampante naman po kami na ang DENR ay alam nila ang katungkulan nila na proteksiyonan ang kalikasan at kaya nga po ipinatupad itong proyektong ito, it is for …

Read More »

Suspensiyon hiniling ni Binay (Sa Manila Bay white sand project)

HINILING ni Senadora Nancy Binay sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang agarang pagsuspendi sa paggamit ng white sand sa proyekto sa Manila Bay dahil hindi ito ligtas sa kalikasan at kalusugan ng mga mamamayan.   Ito ay matapos kompirmahin ng Department of Health (DOH) na ang dolomite dust ay maaring magresulta ng respiratory reactions, eye irritation, at …

Read More »

Pemberton pinalaya ni Duterte (Absolute pardon iginawad)

SILENCE means yes. Matapos manahimik noong nakalipas na linggo sa desisyon ng hukom na palayain ang Amerikanong sundalong brutal na pumatay sa Filipino transgender sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), ginulantang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa nang pagkalooban ng absolute pardon si US serviceman Joseph Scott Pemberton, kahapon. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang …

Read More »

Banta ng PECO sa SC self-serving – Rep. Pimentel

PANSARILING interes ang tanging hangad ng mga opisyal ng Panay Electric Company (PECO) sa kanilang ‘pagbabanta’ sa Korte Suprema na magiging ‘bad precedent’ sa pagnenegosyo sa bansa kung ang magiging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman sa power dispute sa Iloilo City ay papabor sa bagong distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power). Ayon kay Deputy Speaker at Surigao …

Read More »

‘Unli King’ ng PCOO lagot sa COA

MARAMING dapat ipaliwanag si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa pagtalaga sa isa niyang assistant secretary bilang hepe ng isang attached agency ng kagawaran na may P2-milyong unliquidated travel expenses. Bago italaga ang isang government official sa ibang posisyon sa gobyerno ay kailangan niyang magsumite ng clearance mula sa pinanggalingan niyang opisina pero sa kaso ni Philippine …

Read More »

Eskuwelahan ni Anjo sa Quezon, isinara na

NADAANAN namin ang isang mensahe ni Anjo Yllana sa kanyang Facebook page.   Sabi niya, “To whom it may concern, I have opened up schools since 2007 in Quezon Province and Camarines Sur.   “My only objective was to help the less fortunate students to continue their studies with cheaper tuition fees but with higher educational standards.    “Unfortunately unexpected problems arose when we had …

Read More »

I Can See You: The Promise, sa isang lake house kinunan

SUMABAK na sa taping ang cast ng pinakabagong series ng Kapuso Network na I Can See You: The Promise na pagbibidahan nina Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Andrea Torres, at Benjamin Alves.    Sa behind-the-scenes photos ng serye ay mapapansin na sa isang lake house na may magandang tanawin kinuhanan ang mga eksena. Makikita rin sa mga ito na mabusising pinaghahandaan at maingat na sinusunod ng team ang …

Read More »

Aktor, suportado lagi ni Gay Politician Lover (kaya ‘di naghirap kahit may pandemya at walang project)  

MATAGAL na siyang walang project. May pelikulang ginagawa na sigurado namang hindi rin kikita. Pero walang pakialam ang male star kahit na marami ang naghihirap sa panahong ito ng pandemya. Aba eh kahit naman kasi sa panahon ng pandemya “uma-anda la rica” ang kanyang gay politician lover. Mas madalas pa ngang makita sa TV si “mama” kaysa male star.   Eh sa panahong …

Read More »

Rhea Anicoche-Tan, muling binigyang parangal

ISA sa 12 successful women o iyong nakasama sa Women of Style & Substance 2020 ng People Asia Magazine  ang CEO/President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan. Bukod  kay Tan, kasama rin dito ang  Face of Beautederm Home na si Marian Rivera na siyang cover ng People Asia ngayong buwan ng September at si Tarlac Mayor Donya Tesoro. Post ni Tan sa kanyang IG account, ”People Asia Magazine has selected 12 outstanding and amazing women who represent …

Read More »

Arkin, pasok bilang most handsome at hottest Pinoy BL actor

FLATTERED ang mahusay na actor na si Arkin Del Rosario dahil dalawang category sa survey ng isang sikat na Youtuber ang pasok siya. Ito ay sa category na Most Handsome Pinoy BL Actors (Leading Man Category) na kasama rin sina Alex Diaz, Inaki Torres, Tony Labrusca, at Kokoy De Santos; at ang Hottest Pinoy BL Actors na ka-join din  sina Alex, Tony, at JC Alcantara na kasabay niyang inilunsad sa Star …

Read More »

Piolo Pascual, walang dapat sagutin kay BB Gandanghari

“KAHIT na noong araw pa, ilusyon ko si Piolo talaga,”ang bungad na kuwento sa amin ng isang gay movie writer. Eh hindi naman nakakapagtaka o nakabibigla, dahil gay nga siya eh, at pogi naman talaga si Piolo Pascual kaya hindi nakapagtatakang maging ilusyon siya ng mga gay. “Pero nasira na ang ilusyon ko dahil sa blog ni BB Gandanghari,” dugtong ng gay movie writer. …

Read More »

Sunshine Cruz, kinaiinggitan (kabi-kabila ang paninira)

KUNG ano-anong balita na ang lumalabas tungkol kay Sunshine Cruz sa internet. Kung sa bagay iyan namang internet alam nating pugad iyan ng fake news. Kaya nga hindi umasenso iyang nasa internet eh, kasi puro fake news, puro pirated films. Isipin ba naman ninyong pati iyong pelikula tungkol sa Fatima na hindi pa nailalabas sa sinehan ay napirata na sa Facebook. Kung hindi ba naman …

Read More »

Pagpapakasal ni Kris Bernal, ‘di na tuloy

NGANGA na sa kasal, nganga pa rin sa pinagagawang bahay ang Kapuso actress na si Kris Bernal kaya double whammy ang nangyari sa kanya dulot ng pandemya dahil sa Covid-19. Unang naudlot ang pagpapakasal ni Kris sa fiancé niyang si Perry Choi. May 2021 ang orihinal nilang plano. Eh dahil sa pandemya, nahirapan silang magpa-reserve sa simbahan, makabuo ng team na mag-aaasikaso sa kasal nila. …

Read More »