KRITIKAL ang kalagaya sa pagamutan ng isang mister matapos dalawang beses na undayan ng saksak ng kabarangay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Inoobserbahan sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang kinilalang si Richard Segovia, 44-anyos, residente ng Guyabano Road, Barangay Potrero ng nasabing lungsod sanhi ng saksak sa kanang dibdib at kaliwang braso. …
Read More »22 Navoteños, nabigyan ng bike at cellphone
LAKING-TUWA ng 22 Navoteños mula sa informal work sector nang mabigyan sila ng libreng bisikleta at android mobile phones mula sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ito ay proyekto sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o FreeBis (Bisekletang Panghanapbuhay) ng DOLE. Pinangunahan nina Navotas congressman John Rey Tiangco at DOLE CAMANAVA Director Rowella Grande …
Read More »Presyo ng bilihin sa mga palengke pinababantayan (Sa Maynila)
INATASAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Market Administrator Zenaida Mapoy na tiyaking walang aabuso sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga pampublikong pamilihan sa Lungsod ng Maynila matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly. Ito’y upang masiguro na makakakain nang sapat at masustansiya ang bawat pamilyang Manileño sa gitna ng pandemya at kalamidad. Siniguro ng Market …
Read More »Permanenteng evacuation centers kailangan – Gatchalian
NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian na isaalang-alang ang pagpapatayo ng matitibay at may sapat na pasilidad na evacuation centers para sa mga ililikas tuwing may kalamidad. Higit sa lahat, dapat ay permanente ito. “Dapat natuto na tayo base sa naging karanasan natin noong manalasa ang hindi makakalimutang super typhoon na Yolanda at pag-aralang maigi ang mga diskarte sa emergency …
Read More »Pagtatatag ng ospital sa SUCs, isinusulong ni Angara (Healthcare system ng PH, posibleng maibangon)
KAILANGAN tayong magkaroon ng mga ospital sa loob ng state universities and colleges (SUCs) para mas mapalakas ang ating sistemang pangkalusugan. Ito ang ipinahayag ngayon ni Senador Sonny Angara, kaugnay ng patuloy na kakulangan sa mga hospital beds para sa mga iko-confine na pasyente. Ani Angara, nang kasagsagan ng pananalasa ng CoVid-19 sa bansa, isa ang kakulangan ng hospital beds …
Read More »Duque etsapuwera Galvez itinalaga bilang vaccine czar (Sa CoVid-19 immunization)
INETSAPUWERA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa alinmang negosasyon kaugnay sa pagbili ng bakuna para sa CoVid-19. Itinalaga ni Pangulong Duterte si Presidential Adviser on the Peace Process at National Task Force against CoVid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez, Jr., bilang “vaccine czar.” Sa kanyang public address kagabi, binigyan ng kapangyarihan ng Pangulo …
Read More »Quarrying ops ng Mayon suspendido (Prov’l gov’t, 12 operators sinisi sa baha, lahar at malalaking bato)
IPINATIGIL ni Environment Secretary Roy Cimatu ang lahat ng quarrying operations sa paligid ng bulkang Mayon halos dalawang oras matapos siyang utusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ito. Nagsagawa ng aerial inspection kahapon si Pangulong Duterte kasama si Sen. Christopher “Bong” Go sa Catanduanes at Albay upang makita ang lawak ng pinsalang idinulot ng bagyong Rolly sa dalawang lalawigan …
Read More »Charo at Boy, patok agad sa Kumu
MATAGUMPAY ang naging pagpasok ng award-winning hosts na sina Charo Santos at Boy Abunda sa kalulunsad na Dear Charo at The Best Talk, mga programang umani ng pinakamaraming viewers sa FYE sa Pinoy livestreaming app na Kumu para sa buwan ng Oktubre. Pinasalamatan ni Charo ang mga nanood ng premiere episode ng Dear Charo” noong Lunes (Oktubre 26) na nakatanggap …
Read More »Festival calendar at events guide ng PPP4, inihayag
MAGBUBUKAS ang Pista ng Pelikulang Pilipino 4 (PPP) sa October 31 sa pamamagitan ng isang Short Film Showcase na may free access sa lahat ng subscribers sa 80 short films tampok ang 12 finalists sa CineMarya Women’s Short Film Festival Premiere, 63 titles mula sa 21 regional film festivals, at five Sine Kabataan shorts kasabay ang libreng Special Screening ng …
Read More »Mga kamag-anak ng mga ‘di nagwaging Miss Universe Philippines, nanatiling disente at payapa
IBANG klase talaga mag-comment ang mga tao na may breeding at edukasyon. At ‘yon ang ipinakita ng 1974 Miss Universe na Filipinang si Margie Moran nang mag-comment siyang (published as is) “Ysabelle Roxas is my CHAMPION” pagkatapos mai-announce ang winners ng kauna-unahang Miss Universe Philippines. Si Ysabelle ang first runner-up kay Rabiya Mateo ng Iloilo City na siyang nagwagi ng …
Read More »Pia Wurtzbach, tahimik sa iringan ng ina at kapatid; Sarah, pinaratangang ibinugaw siya ng ina
SUMAGOT na finally ang ina ng magkapatid na Pia at Sarah Wurtzbach na si Cheryl Alonzo Tyndall sa mga paratang sa kanya ng bunso niyang anak na si Sarah. Maraming taon na ring Tyndall ang gamit na apelyido ng ina nina Pia at Sarah dahil napangasawa nito si Nigel Tyndall, isang British na taga-London. Noong 2013 pa yumao ang ama …
Read More »Ina nina Pia at Sarah, nagsalita na—‘Wag n’yo akong husgahan, inalagaan ko ang aking mga anak
FINALLY, sumagot na ang nanay ni Sarah Wurtzbach-Manze na si Gng. Cheryl Alonso-Tyndall sa mga paratang sa kanya ng anak na itinuturong dahilan kaya siya na-rape sa edad na 10 noong nakatira pa sila sa Pasig City bago sila tumulak sa United Kingdom at doon sila parehong naninirahan ngayon. Sa YouTube channel na Mommy Cheryl with A Heart, ikinuwento ng …
Read More »Coca-Cola may pamaskong regalo sa Dabarkads (Abangan sa Eat Bulaga TAKBUHAN sa TV)
Ang Eat Bulaga kasama ang kanilang sponsors ang madalas mamimigay ng maagang pamasko sa kanilang mga suking manonood mula Luzon, Visayas at Mindanao. At bilang pasasalamat ng Coca-Cola na bumabati sa lahat ng Merry Christmas, mga Dabarkads, siguraduhing may Coke sa inyong bahay dahil puwede kayong manalo ng P15,000. Imagine napawi na ang iyong uhaw sa pag-inom ng paborito mong …
Read More »Ate Guy nasa Facebook na, YouTube channel mapapanood na rin (Para sa kanyang Noranians)
ACTUALLY, matagal nang inaawitan si Nora Aunor ng kanyang mga tagahanga na maging active siya sa social media. Hindi lang dahil ito ang uso kundi gusto ng fans na malaman ang lahat ng activities ni Ate Guy, kasama na ang pagbabalik-taping para sa teleserye sa GMA7 na Bilangin Ang Bituin sa Langit. Finally ngayon ay pinakinggan at binigyang katuparan …
Read More »Gari Escobar, gaya-gaya sa idol na si Rico J. Puno?
NAGING matagumpay ang unang digital concert ng prolific singer/songwriter na si Gari Escobar na pinamagatang Gari Escobar Live! My Life! My Music! na ginanap last October 18. Masayang kuwento niya sa amin, “Ang ganda po ng feedback ng mga nanood kuya, kapag binasa mo isa-isa, nakakatuwa.” Pahabol pa ni Gari, “Dati kapag nagso-show ako ay nerbiyos po ang …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



















