Monday , July 7 2025
Wilbert Tolentino TikTok Cleopatra Trend Imelda Papin

Wilbert, nag-viral sa Cleopatra trend; kamukha ni Imelda, damay si Joey

PUMALO na sa 33.6M ang views sa TikTok ng Cleopatra Trend ni KaFreshness Wilbert Tolentino.

Hindi nga nagpahuli ang kontrobersiyal na social media personality at influencer dahil pinaglaanan niya ng oras at pagsusumikap ang production ng kanyang version ng Cleopatra Trend.

Sa props at costume pa lang ay kinabog na ni Wilbert ang iba pang influencers na sumali sa trend.

Magmula sa dalawang malalaking poste na may authentic Egyptian decor, hanggang sa bonggang headdress na ginawa pa ng isang national artist ay talaga namang naging eye candy ang visuals ng kanyang Cleopatra Trend.

In addition, pinag-uusapan din ng netizens sa socmed ang mga impressive accessories na isinuot, customized royal throne na inupuan na tamang-tama para sa isang reyna, ang gold leopard sa harap ng throne, ang mga nagkikislapang Swarovski sa leeg, at ang mga Blizzard Burmese phyton na matapang na hinawakan ni Wilbert.

Impressive rin ang video editing ng transformation mula sa character ng isang hunter, hanggang sa naging God of Anubis, na-mummified, nag-transform sa Sphynx, at pagkaraan ay sa Queen Nefertiti at sa huli bilang Queen Cleopatra, ang last active ruler ng Ptolemaic Kingdom of Egypt.

Tatlong layout na iba’t ibang headdress ang ginamit ni Wilbert sa character ni Cleopatra, na ang isa nga ay ginawa pa ng isang Philippine National Artist.

Bukod sa TikTok ay humahataw din ang Cleopatra Trend video ni KaFreshness sa kanyang Facebookpage na mayroon ng 7.9M views.

Samo’tsaring comment at reactions ang nakuha ni Wilbert sa netizens kasama na ang mga nakapansin na kamukha raw niya ang OPM icon at Jukebox Queen na si Imelda Papin.

May mga nagsasabi rin na sa isang anggulo ay nakamukha ni Wilbert ang namayapang sikat na  manghuhula na si Madam Auring.

Sa mga natatawa at nagsasabing hawig ko raw si mam Imelda Papin ay thank you po.

“Ang hair character kasi ni Queen Cleopatra, eh, chinap-chop ang bangs po, kaya natural lang na kung ang wig na chinap-chop ay nataon na suot ng same face frame na may jaw line, eh mayroon itong makukuhang kahawig.

“Kahit na sino pang professional make up artist ang kunin ay magkakaroon talaga ng kahawig.

“Kapag sinakluban naman ako ng gorgeous wavy hair, for sure, eh magiging Latina at super ganda ang aking dating.

“Ang buhok kasi,eh ibinabagay din sa mukha ng tao. 

If you remember sa Asoka trend at Piliin mo ang Pilipinas make up transformation ko, iba rin ang naging ayos ko. 

“But honestly, no hard feelings na kamukha ko si Madam Imelda kasi maganda siya,” paliwanag ni Wilbert.

Ang sinasabing Asoka trend at Piliin mo ang Pilipinas make up transformation ay ginawa at pinaglaanan din ng oras noon ni Wilbert na humakot ng millions of views, nag-viral,  at pinag-usapan sa socmed.

Heto naman ang sagot ni Wilbert sa mga nagsabing naging kamukha niya si Madam Auring.

Again, same face frame sila ni Ms. Imelda Papin at ang hair, chinap-chop talaga.”

May ilang netizens naman ang nakapansin na sa ilang anggulo ay nakamukha ni Wilbert ang komedyanteng si Donita Nose.

Kaibigan ni KaFreshness si Donita Nose na lagi niyang sinasabihan na super cool.

At gaya ni Donita Nose ay super cool din si Wilbert at hindi siya apektado sa mga negative comment.

Bukod dito ay may mga nagsasabi ring kahawig siya ng character ni Joey de Leon sa pelikulang Barbi: Maid in the Philippines.

Tinatawanan ko lang naman ‘yung mga namba-bash at nagpapaliwanag naman ako sa mga honest review ng netizen.

“Ang mahalaga naman, gumawa tayong lahat ng mabuting gawain sa ating kapwa.

“Mahalaga rin na nakatutulog tayo ng maayos dahil wala tayong tinatapakang tao at alam ko na marami ang nagmamahal sa akin,” sabi pa niya.

Hindi rin naman mabilang ang mga nag-appreciate at nag-compliment sa entry ni KaFreshness sa Cleopatra Trend.

“I truly extend my gratitude sa aking team lalo na sa mga nakasama ko sa Cleopatra Trend dahil group effort talaga ang ginawa natin. For me, napakahusay ng execution natin and I highly appreciate all of you. Thank you,” madamdaming pahayag ni Wilbert.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Showbiz

Check Also

Jurassic World Rebirth MTRCB

‘Jurassic World: Rebirth’ at dalawang klasikong pelikulang Filipino, aprub sa MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio APRUB sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Rhea Tan Ysabel Ortega Miguel Tanfelix

Rhea Tan humataw agad bilang  president ng Rotary Club ng Balibago, kasama sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Beautéderm founder na si Rhea Tan ay nagsimula na …

Marco Sison

Marco sa KPop at PPop, malaki ang impluwensiya sa ating musika

MA at PAni Rommel Placente KAHIT  ilang dekada na sa music industry ay aminado si Marco …

Anne Curtis

Anne nanggigil sa basher, ini-report sa X

MA at PAni Rommel Placente PINATULAN ni Anne Curtis ang komento ng isang netizen tungkol sa pagkapanalo …

Gretchen Barretto Atong Ang Sunshine Cruz

Greta isinasangkot sa mga sabungero, Sunshine at Atong hiwalay na?

I-FLEXni Jun Nardo SHOCKING sa showbiz world ang pagkakasangkot umano ni Gretchen Barretto na missing sabungeros. Itinuro …