Friday , June 5 2026
Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa mga naririnig o nababasa sa social media sa mga anunsiyo na kailangan ang lahat ng botante ay merong National ID.

Fake news po ‘yan! Una ‘di lahat ay inisyuhan ng National ID. Ako nga mahigit isang taon bago ko natanggap ang aking National ID.

Ang nasabing fake news ay ipinakakalat ng mga walang magawa sa buhay.

Sana maging responsable ang lahat sa pag -aanunsiyo ng mga bagay na resulta ng pagkakaroon ng kaguluhan.

Sabi nga ng Comelec, ang kanilang tanggapan ang dapat mag-anunsiyo kung may katotohanan.

Kaya malinaw na hindi po kailangan ang National ID para bumoto!

***

Iyong mga nakatanggap ng show cause order nila sa Comelec ay siguradong lampas ulo na ang kaba. Pero sabi nga nila, ang lahat ay naaayos sa paliwanagan basta ‘wag lang sa ‘areglo’.

Nakaaawa rin kasi na gumastos nang malaki sa kanilang pangangampanya tapos madi-disqualify lang.

Isang aral ito sa lahat ng kakandidato sa mga susunod na eleksiyon, maging maingat maski sa pagsasalita sa ibabaw ng entablado, maging maingat sa pagbatikos para walang problemang haharapin!

***

Parang trumpo na umiikot ang mga kandidato partikular ‘yung alam nila na mahigpit ang laban sa kanilang mga katunggali.

Bantayan maigi ang mga vote-buying sa bisperas ng eleksiyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …