Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Krystall Herbal Oil garantisadong panlaban sa heat wave

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Gab Mendoza, 38 years old, draftsman sa isang construction company, kasalukuyang naninirahan sa Quezon City.

Ang ginagamit ko pong mode of transportation ay motorcycle, para po makatipid at hindi ako mahirapan magdala ng mga gamit ko sa trabaho.

Wala naman po akong problema sa loob nang halos tatlong taon ko nang pagbibiyahe sa motorsiklo. Pero ngayon po, talagang grabe ang init ng panahon. Madalas nga pong mag-alala si misis, natatakot siya na madale ako ng heat wave.

Kaya ang payo po niya sa akin, magbaon ako lagi ng basang bimpo na may spray ng suka at Krystall Herbal Oil. Kabilin-bilinan din niya na huwag akong iinom ng malamig na tubig kung galing ako sa labas.

Sabi niya dapat daw maligamgam na tubig para lumabas ang init sa katawan at pagpawisan agad ako. ‘Yan daw po ay natutuhan niya sa inyo.

Ang payo rin niya, pagdating ko sa trabaho mula sa biyahe o kung galing ako sa field work, dumeretso ako sa locker room o sa CR para makapaghaplos muna ako ng basang bimpo na may spray ng suka.

Sabi ko baka mag-amoy maasim ako. Ang sagot niya naku hindi, kasi after mong magbimpo, maghaplos ka rin ng Krystall Herbal Oil na parang lotion, para pagpasok mo sa opisina ninyong naka-aircon hindi ka mabigla sa lamig, kaya hindi ka madadale ng heat stroke.

O ‘di ba, kompleto sa paalala si misis?

Kaya naman po, Malaki Talaga ang pasasalamat ko sa inyo Sis Fely, kasi maraming natutuhan sa inyo si misis.

Nawa’y patuloy kayong biyayaan ng pagpapala ng Diyos para patuloy kayong makatuklas ng mga imbensiyon na nakatutulong sa kalusugan ng inyong mga tagasubaybay.

Muli, maraming salamat po.    

GAB MENDOZA

Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Arellano NCAA cheerleading

Arellano, wagi sa ika-7 sunod na titulo sa NCAA cheerleading

PATULOY ang paghahari ng Arellano University sa NCAA cheerleading competition matapos nitong masungkit ang ika-pitong …

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers Target back-to-back win, Spin Doctors gustong makabawi

Mga Laro sa Biyernes 1 n.h. – VNS vs AEP-Cabstars 3 n.h. – 3B vs …

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …