Thursday , June 4 2026
Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Makating lalamunan at dalahit na ubo ng 62-anyos lola pinayapa at pinaginhawa ng Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herbs

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

AKO po’y dinadalahit ng ubong napakakati sa lalamunan, wala namang plema pero talagang naninikit kapag ako’y dinadalahit.

Ako po si Mena Biglang-awa, 62 anyos, isang lola at taga-Valenzuela City.

Ako nama’y walang asthma pero mukhang nagulat ang aking katawan sa biglang paglamig ng panahon. Ultimo tubig sa banyo parang binabaran ng yelo.

E ‘di siyempre gaya nang dati, kapiling ko ang very reliable na Krystall Herbal Oil. Haplos sa batok sa lalamunan, sa tiyan, sa likod, at sa talampakan.

Hindi pa ako nakontento, inilabas ko ang Krystall Nature Herbs. Nagpakulo ako ng tubig saka ko ibinuhos ang kalahating sachet ng Krystall Nature Herbs sa isang basong mainit na tubig at ininom ko paglipas ng dalawang oras matapos magtanghalian.

Aba, ramdam ko agad ang ginhawa. Nawala ang pangangati ng aking lalamunan at medyo humibas ang pag-ubo.

Iba talaga ang ginhawang Krystall. Kaya hindi ako nagpapawala ng stocks nito sa aming tahanan. Kasi nga maaasahan kahit anong oras.

Maraming salamat po Sis Fely sa inyong napakahusay na imbensiyon. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ni Yahweh El Shaddai, siksik, liglig, at umaapaw na biyaya at karunungan.

Sumasainyo,

MENA BIGLANG-AWA

Valenzuela City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Victory Liner Electric Bus e Bus

Victory Liner iginagalang suspension order ng LTFRB

KINIKILALA ng Victory Liner ang preventive suspension order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board …

Albee Benitez Bojie Dy

Speaker Dy, pamunuan ng Kamara pinuri Deputy Speaker Benitez  
MATAAS NA TRUST RATING KREDITO SA TINUPAD NA MANDATO NG KONSTITUSYON

ni GERRY BALDO PINURI ni Deputy Speaker at Bacolod Lone District Rep. Alfredo “Albee” Benitez …